"Nay, may event sa school this February po. Promenade daw po." Alangang sabi ko habang nag huhugas ng plato.
"Ano din gagawin mo dun ? Nako Asuna ah? Mamaya may boypren ka na. Malilintikan ka talaga sakin." Banta niya.
"Wala man po nay, nag babakasakali lang po ako kung papayagan niyo ako . Minsan lang naman ito pero kung hindi okay lang naman." Nakayukong sabi ko. Nakakaiyak lang.
"Kasama ba jan mga pinsan mo ? Si Troy at Tristan? Or si ate Claren mo? " tanong niya.
"Hindi ko po alam nay, hindi pa naman kasi na bibigyan ng assigned partners kasi sabi nila maam mag paalam na daw para hindi masira ang list kung sakali para sure na yung mga sasali." Yah, sila naman standard nila parati.
"Kung kasama sila pwede kang sumama, matataas naman grades mo this few months."
Nabuhayan ako , totoo ba to ? "Seryoso nay? Pwede ako sumama? Salamat po" natutuwang sabi ko.
"Kung kasama mga pinsan mo, pero kung hindi hindi ka din sasama."
"Opo nay , sige po. Tatanong ko kay Troy, salamat ulit nay." Pumanhik na ako sa kwarto ko para sabihin kila Leifa na pinayagan ako.
Sympre nagulat sila na pinayagan ako. Hindi pa talaga nakuntento si Sinon at niyaya si Leifa na pumunta sa bahay.
"Tao po..." Sila na yan.
"Sino yan ? Ay kaya pala pasok kayo. Asuna sila Sinon at Leifa nandito." Sabi ni Nanay.
"Pababa na po." Tugon ko.
"Pameryendahin mo sila at dun lang ako kay tatay mo sa likod. Jan muna kayo mga bata."
"Opo tita, salamat po." Sabay na tugon ng dalawa.
At yun nga, daig pa namin ang nasa press conference dahil sa mga tanong nila.
Tinanong din nila kung anong ginagawa ko. Sympre kiniwento ko lahat ng usapan namin ni nanay.
Tawang tuwa naman sila kasi hindi ko ma miss out ang event na to this time. Nag patulong din ako na mag ipon sa kanila para lang dagdag arkila ng gown na gagamitin sakali para mas lalo akong payagan.
Tagal na din kasi naming mag kakilala kaya kahit papaano ay welcome na sila da bahay.
Maya maya pa ay nag paalam na silang umalis. Yun lang talaga sinadya nila dito kasi mag kikita din kami sa school ulit bukas.
———————
Kirito POV
Monday nanaman. Hay, nakakatamad talaga pag unang araw ng week. Need kasi gumising ng maaga kasi flag ceremony.
Habang nag lalakad ay nakita ko si Mharcus. Inuunahan ko na kayo hindi ko ito best friend or kung ano. Galante kasi to mang libre kaya sumasama ako sa kanya. Hahaha sorry nag titipid kasi ako.
Kaso nga lang hindi ko din matagal ng husto ang pag kaboret niya kaya bihira din ako sumama sa kanya
"Mharccc..." tawag ko sa kanya.
"Uy, Kirito ? Musta weekends mo ? Sakin okay lang lumabas kami nila mama nung sabado sa mall binilhan niya ako ng bagong tablet." Sabi niya.
Sabi sa inyo ei. Hindi pa ako nakakabwelo mag salita may banat na agad siya. Napahampas nalang ako sa noo ko ng wala sa oras.
"Ganon ba okay yan."
“Dalhin ko mamaya pakita ko sayo. Ginagamit pa kasi ng gf ko nasa bahay ngayon.”
“Oh ? May gf ka ? Saan nag aaral ? Wala ba siyang pasok ?” Sunod kung tanong.
“Sympre meron ako na to.” Proud na proud niyang sagot
“Pakilala mo naman minsan.” Sabi ko.
"Sige sa susunod pag nandito siya. Sa ibang school kasi siya nag aaral ei."
Tumango nalang ako at hindi na sumabat baka humaba nanaman ang pag yayabang niya. Hindi niya ba napapansin or naririnig na minsan pinag tatawanan na siya?
Hayaan na yan, nakarating na pala kami sa school. Hindi ko na naitext si Asuna kasi wala na akong load. Pag dating palang sa gate sa hindi malamang dahilan siya agad ang hinahanap ng mata ko.
Habang hinahanap ko siya dumiretso na ako sa pili namin. “Panigurado nasa pili na siya maaga yun pumapasok ei.”
Ng makalapit na ako sa pili , tama nga ako ng iniisip nandun siya. Masayang nakikipag kwentuhan sa mga classmate namin.
Bigla nalang akong napangiti.
Nagulat ako ng biglang mag tumapik sakin.
“Para kang tanga na nakangiti jan, Kirito.” Kasama ko padin nga pala si Mharcus.
“May bigla lang akong naalala.” Palusot ko.
Nag kibit balikat nalng siya at niyaya na ako sa pila namin.
Ilang minuto lang ang lumipas at natapos din ang flag ceremony. Ilang reminders sa parating na mga events other than that wala na.
Nasa second floor ang room namin kaya pag nasa taas ka kitang kita lahat ng ganap sa baba.
“Hi Kirito !” “Hello.”
“Hi Kirito !” “Hello.”
Ilang ganyan pa bago ako nakarating sa upuan ko.
“Good morning, Asuna.” Bati ko sa kanya.
“Good morning din.” Nakangiting bati niya . “Musta weekends mo ?” Tanong niya.
“Okay lang, umuwi ako sa bahay nung friday. Kanina lang din ako bumalik dito.” Sagot ko.
“Good to hear. Sakin wag mo na tanungin same as usual pa din. Pero may iboboret ako hahaha. Hulaan mo ?” Excited na tanong niya sakin.
“Tinatamad ako , haha sabihin mo nalang.”
“Ano ba yan pangit mo ka bonding. Yun nga hihi pinayagan ako sumali sa prom. Yahhh.” Hampas hampas na sabi niya.
“Ayos , ayos so isasayaw kita?” Biglang tanong ko. Dapat joke yan pero ibang tono ang lumabas.
Hindi kaagad siya nakasagot.
“P-Pwede naman bakit ka pa nag papaalam.?” Namamalik mata lang siguro ako pero namumula siya.
“Sige ah , asahan ko yan.” Nakangiting sagot ko.
Lumipas ang mag hapon at may meeting kaming mga junior at senior na may kinalaman sa Promenade na dadating kasama na din sympre ang announcement ng partners.
2 sections per years so bale nasa 130 students mahigit ang nadito ngayon sa multi-purpose hall.
Senior by Junior ang assigning ng partner.
Hinihintay nalng ko nalang mabanggit ang pangalan ko para pupuntahan ko nalang partner ko.
“Kirito Zuberg partner mo si Lisbeth Cross pwede mo na siyang puntahan.”
Tumango ako at pinuntahan ang tinuturo ni maam.
“Hi I’am Lisbeth Cross, please to meet you.”
“Likewise, I’am Kirito Zuberg po.”
“Yikess, drop the po. Hindj naman tayo nalalayo ng edad para i-po. Lis, call me Lis para hindi tayo awkward.” Nakangiting saad niya.
Mabait siya infairness.
“Sige Lis, wala akong nickname kaya Kirito nalang.” Sabi ko .
Habang nag hihintay matapos ang iba ay nakapag palitan kami ng ilang impormasyon para hindi kami awkward sa isat-isa gaya ng sabi niya.
“Gani——“ hindi niya na natapos ang sasabihin ng bigla nag salita si maam.
“Pipili kami ng ilang mag partner para isang espesya na sayaw. Mag papractice na kayo simula bukas.”
“Blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah. Kirito Zuberg at ang kanyang partner, punta dito sa side na ito .” Turo niya sa gilid.
“Nako kasama tayo.” Sabi ko sa kanya.
“Okay lang yan ano kaba, minsan lang to. Sulitin na natin.” At hinila niya na ako papunta sa pwesto ng mga napili.
Natapos na ang meeting at dun na din kami nag hiwalay ng landas ni Lis. Kinuha ko ang aking mga gamit at paalis na din. Nag lalakad na ako ng makita ko si Asuna sa harapan ko na nag lalakad na din. Tinawag ko siya para kunin atensyon niya.
“Asunaaaa..” lumingon naman siya agad.
“Oh bakit ? Sasabay ka ba pauwi ?” Tanong niya.”
“Oo sana, makiki soundtrip ako ulit hihi.”
“Oki oki , ito oh,” abot niya ng isang earphone sakin.
“Anong nasa playlist mo ngayon?” Tanong ko.
“Parokya ni Edgar.”
“Uy, magaganda yang kanta nila ah. Nice nice.”
Habang naglalakad ay tahimik lang kami na parang nag papakiramdaman sa isa. Hindi ko din alam kung may sasabihin ako kaya hinyaan ko nalang . Pagod lang din siguro to.
Hanggang makarating ako sa tinitirahan ko. Nag paalam kami sa isat isa at duon na din natapos ang kanta.
Para sayo By: Parokya ni Edgar
Lumayo ka na sa akin
Wag mo kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Hindi ikaw yung tipong niloloko
At hindi naman ako
Yung tipong nagseseryoso
At kahit
Sulit sana sa'yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita
Kaya't kung pwede wag nlang dahil
Ayoko ngang masaktan ka
Wag kang maniniwala
Hindi ako santo
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Bakit nakikinig ka pa
Matatapos na ang kanta
Pinapatakas na kita
Mula nung unang stanza
Hinde ka ba natatakot
Baka ikaw ay masangkot
Sa mga kasalanan ko
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
————————-
Salamat sa pag babasa at nakaabot ka na dito!
Please like and follow me for updates.
@EJRomualdo
Thank you ! Mwuaaa ^*^
See you in next update !