Chapter FIVE - PLANS

1778 Words
Happy New Year ? (Oo nga pala, timeline pala nito is SY:2013-2014 ah. Bale 3rd year highschool then followed by next SY.) Bagong taon, Bagong buhay ? Hahaha sana nanaman may mag bago. 2014 na . Ano kaya mangyayari sa taon ko? Next week pa ang pasukan ulit. Medyo bobored na ako dito sa bahay. Same routine pa din, hindi naman kasi mag babago yun by day or night agad. Ano pa ba ikwento ko sa inyo ? Wala din masyadong ganap kasi wala ding pasok. So tapusin ko na itong pag kwekwento ko ? Charoot. Fast Forward… First day of class in this year. Makikita mo nanaman ang maraming mga estudyanting naglalakad. Meron grupo-grupo, meron solo flight at iba pa. Kada monday lang din pala ang Flag Ceremony sa School namin kaya meron ngayong araw. 7:30 am ang start sakto lang pag dating ko. Pumunta agad ako sa pila ng section namin for 3rd students. “Asunaa, dito dito.” Hyper nanaman itong isa na ito. Parang ngayon lang kami nag kita eh pumunta din naman siya sa bahay nakaraang araw. “Ang hype mo nanaman Leifa, maaga pa ano nanaman natira mo?” Pang aasar ko na sagot. “Bakit hindi ka ba excited sa 1st day ? Ako kasi excited hihi.” Kinikilig na sagot niya. “Parang kinikilig ka ah? Sino nanaman yan?” “Makatanong ng ganyan parang dami kung boylet manghihiram lang naman kasi ako ngayon ng pocketbook kaya excited ako, pahiram ko sayo ang iba ?” “Tinatanong pa ba yan ? Sympre oo, yes yes.” Naexcite na din ako. Wala pa kasi kaming pera pambili ng mga pocketbooks kaya nag kasya na kami sa hiram hiram. Minsan nag rerenta kami. “Sig———— “ Hindi niya na naituloy sasabihin niya ng may nag salita sa harap. “Okay , hand forward. Ayusin niyo na ang linya para makapag start na tayo.” Teacher na assigned sa Flag Ceremony ngayong araw at nung makita niya na okay na ang pila ay nag tawag siya ng isang mag lead ng prayer. After ng prayer ay pumwesto na si maam para sa pag kumpas ng Pangbansang awit. Matapos ang ilang minuto ay sinundan naman ito ng Panatang Makabayan. Bago mag si alisan ang mga estudyante ay nag bigay ng ilang paalala ang mga guro tungkol sa mga gaganaping programa sa school lalo na ang tungkol sa nalalapit na Prominade. Nang marinig nila ang tungkol dito ay na excite ang lahat sympre yun ang time na makakapag paganda at pa gwapo sila ng bongga at sympre para maisayaw din ang mga gusto nila or mga jowa. Pati ako na excite pero bigla nawala kasi alam ko hindi nanaman ako papasalihin sa mga ganito ganito kasi gastos daw sa pera. Yup you read it right. Sa lahat ng school activities ilang besis palang ata ako nakasali. Kahit nung Elementary ultimo school camping hindi ko man lang naranasan. Kaya hindi na ako mag tataka kung hindi nanaman ako papasalihin dito sa isang to. Anyway, balik tayo sa kwento. Hindi na din naman nag tagal ay tinapos na din agad nila ang mga announcements at pinayagan na kaming pumasok sa mga silid na nakaassign samin nung nakaraang taon bago mag bakasyon. Nang makarating sa kanya kanyang room kwentuhan nanaman about sa nangyari nung ilang linggong bakasyon. Yung pa din ang seating arrangements namin kaya walang problema. Pag dating ko sa upuan ko ay nandun na si Kirito sa nakaupo sa katabing upuan ng sakin. “Hi, kamusta?” Bati niya. “Oks lang. Ikaw? Musta bakasyon mo ?” “Masaya naman, nakapahinga ako. Ikaw ba nakapahinga ka din. ” tanong niya. “Oo naman , hehe.” “Sure ?” Paninigurado niya. Nakalimutan ko sabihin na na ikwento ko na ang kalagayan ko sa bahay kaya ganyan nalang siya manigurado. “Yup, yup! Nothing to worry about it.” “Grabee , Englishera yarn?” Tinawanan ko nalang siya at umayos na nga upo kasi dumating na si maam. Natapos ang dalawang klase at tumunog na ulit ang bell para sa recess time. Wala akong balak mag recess kaya nag paiwan lang ako sa room. Nag lakad ako saglit papunta sa pinakadulo ng hallway at dumungaw sa baba. (nasa 2nd floor ang room nila this time) Kitang kita dito lahat ng ginagawa nila sa baba. Sarap lang ng ganito wala masyadong iniisip. Masarap din ang simoy ng hangin dito banda perks din siguro na napapalibutan ng puno ang buong campus. Maya maya pa ay nagulat ako ng may tumabi sakin. Lumingon ako at nakita ko na si Kirito pala. “Bakit hindi ka nag recess ? Wala ka bang baon na pera ?” Tanong niya. “Wala agad baong pera hahah? Hindi ba pwedeng wala ako sa mood at gusto ko mag muni muni ?.” Natatawang paliwanag ko “Aw akala ko kasi hindi ka binigyan ng baon.” Nag alalang sagot niya. “Hindi ah, never ko pa naman naranasan yun. Maliit lang binibigay nila atleast meron. Kaya naman makabusog wala lang talaga ako sa mood.” Nakangiti kung sagot. “Ikaw nag meryenda ka na ba ?” “Oo sumabay ako kila Eugeo kanina.” “Bakit ka pala nandito ?” Tanong ko. “Nakita kita dito kaya pumunta ako dito.” Diretsong sagot niya. “Aws haha okay.” Nag tuloy tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa nakarinig kami ng tunog ng bell hudyat na tapos na ang oras ng pahinga. Sabay na kaming pumasok sa room at hindi ko maiwasan na makita ang tingin ng mga classmate namin lalo na ang mga babae saming dalawa. Hinayaan ko nalang sila at nag patuloy mag lakad hanggang sa makarating sa pwesto namin. Maagang natapos ang mga klase ngayon. May homeroom meeting din about sa Prominade. Nag tatanong na si maam kung sino ang mga sasali at ano ang mga kailangan bayaran at kailangan gawin. “Maam , sino pong pipili ng partner kami po ba or senior at junior po ?” Tanong ng isa naming classmate. “Ang nakaugaliang pag papareha kasi ay by Senior and Junior at kami din ang pipili ng inyong magiging partner. Pwede niyo naman makasayaw ang mga gusto niyo pag tapos ng program wag kayo mag alala.” Nakangiting sagot ni maam. May ibang kinikilig habang nag papaliwanag si maam. Ang iba pinaplano na ang gagawin. “Wala na bang ibang tanong ? Kung wala na your dismissed.” “Thank you maam.” Sabag sabay naming sagot. “Tara na Asuna.” Aya ni Kirito “Maya maya na siguro ako maaga pa din. Tambay muna ako saglit.” “Dito sa taas ? Samahan kita.” Sagot niya “Sure ka ? Ikaw bahala.” Pumunta kami ulit dun sa dulo ng hallway. Usually kasi pag ganitong uwian ang daming senario. Isa na dun yung mga nag lalaro ng soccer. Takbo dito , takbo dun. Pati ako napapacheer lang wala sa oras kapag malapit na ang bola sa goal. Kanina pa kami dito pero wala kaming imikan ni Kirito. Nanunuod lang talaga kami ng bigla siya mag salita. “Crush mo pa din si Louen ?” “Opo hihi.” Diretso at kinikilig kung sagot. “Bakit mo naitanong?” “Wala naman bihira ko na kasi siya makita sa klase ? Baka alam mo kung nasaan siya ?” “Luh parang timang hindi niya nanaman ako jowa, ano baa.” Napahampas hampas ako sa kanya sa kilig. “Aray ko nanaman, makahampas grabe kiligin.” Reklamong tugon niya. “Anyway una na pala ako nag text si tita may ipapagawa siya, okay ka lang naman dito diba?” “Oo naman maya maya uwi na din ako. Ingat kaa.” “Sige sige , salamat.” Kumakaway siya habang nag lalakad paalis. Habang tinitingnan ko siyang paalis nakaramdaman ako ng mabigat sa aking dibdib. Pinagsantabi ko nalang ulit ang nararamdaman ko at nanuod nalng ulit sa mga nag lalaro. ———————— Kirito POV (First time niya mag kakaroon ng Point Of View) Habang nag lalakad na ako tumingin ako ulit dun sa second floor kung nasaan siya. Kung anong pwesto niya ng umalis ako ganon pa din hanggang ngayon. Wala naman talaga nag text si tita. Dahilan ko lang yun. Nag hahanap lang talaga ako ng palusot para makaalis sa tabi niya. Hindi ko alam pero simula ng makilala ko siya nung paglipat ko ng section subrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Siguro kasi mabait din siya. Tsaka kaibigan talaga tingin niya sakin hindi parehas ng iba na porket close iba na agad. Pero this past few days simula nung iniwasan ko siya parang may nag bago. Hindi ko pa sana siya papansinin kung hindi niya ako nilapatan. Hindi ko talaga alam pero may nag bago talaga. Ang bilis ng t***k ng puso ko sa tuwing siya. Ang saya pag ako lang kausap niya. Kaya nung tinanong ko siya kanina kung gusto niya pa din si Louen at umoo siya biglang bumigat pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako gumawa ng paraan para makaalis sa tabi niya. Nakarating na ako sa bahay ng tita ko. Dito ako nakatira sa kanila for meantime para medyo malapit ang inuuwian ko compare sa bahay namin na ilang kilometro ang layo. “Tita, dito na po ako.” “Oh Kito, jan ka na pala. Pasuyo naman kung wala kang gagawin mag saing ka na, pagod na talaga ako.” Pakiusap ni tita. “Sige po walang problema.” Ilan din kaming mag pipinsan ang ampon dito nila tito at tita yung iba pinapaaral nila mismo maliban sakin na nakikitira lang talaga. Hindi naman ganon kahirap pakisamahan sila tita kailangan lang may initiative ka at common sense. Parati rin wala dito si tito kasi isang siyang Military. After kong mag saing ay nag text ako kay mama na nakauwi na ako at okay naman ako. Ilang minuto lang at nag reply din naman siya. Kwentuhan saglit ng mga nangyari sa school bago ako nag paalam na mag papahinga na ako. Pumasok ako sa kwarto ko at humilata. Nag isip isip kung anong magandang gawin bukas. “Asarin ko nanaman ba siya bukas ? Pikon pa naman yun. Ang cute lang pag napipikon ei. Hahaha” kausap ko sa sarili ko. “Nako malala na to. Gawa nalng nga ako ng assignment ko.” —————————— Hi ? Please Like and Follow me for updates! FB: @EJRomualdo Thank you !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD