Lilian Magnaye's POV
"Ano ba! I'll SAID LET ME GO!" bawi ko sa kamay ko.
"You want me to die, ha? Puwes, maghintay ka! For sure magpa-party ka once na mangyari 'yon." Hindi ko alam pero bigla s'yang natahimik sa sinabi ko.
"Ano, speechless ka? Alam kong takam na takam kang mamatay ako. Then I give it you, but not this time. Hayaan mo muna ako. Dahil pag nangyari man 'yon. Alam kong magiging masaya ka." Sagot ko sabay agad s'yang tinalikuran.
Ayaw kong umuwi kasama siya. He's with Silvian. Alam ko kung anong papel ko, sa kanya, sa kanila. Because of that mas gugustuhin ko na lang maglakad pauwi keysa ang makasama siya.
Akala ko susundan niya pa ako. Pero hindi at dahil do'n ay nakahinga ako ng maluwag. Feeling ko everytime na nakikita ko siya parang sinasakal ako na ewan. Ang hirap huminga pag and'yan siya.
"Lilian." It's Henry. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Lumapit ako sa kanya at niyakap niya.
"I'm sorry. I'm really sorry. Hindi na dapat kita dinala pa dito. I'm sorry." Aniya sabay yakap sa akin.
"That man. Alam kong balang araw. Siya ang papatay sa akin. Alam ko at nararamdaman ko." Out of nowhere kong sabi.
"Hey, don't say that. Hindi ka mamamatay, okay? Ako ang bahala sayo. Hangga't andito ako, no one can hurt you. Tara, iuuwi na kita." Aniya sabay patong ng coat na suot niya sa akin.
Inalalayan niya ako hanggang makarating kami ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kaagad naman akong pumasok. Pagkapasok niya sa driver seat ay agad niya itong pinaandar.
Buong biyahe akong tahimik at walang kibo. I saw parents on the stage, kanina. Alam kong I disappointed them, again.
Pagdating sa bahay. "I'm sorry. I'm really sorry. Alam kong ng dahil sa akin yo--."
I cutted him. "It's okay. I know them. Besides kusa naman akong sumama di'ba. And I know my husband's too. Sino bang hindi makakakilala sa isang Clémentine di'ba? Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Kung ano mang nangyari ngayon, dahil 'yon sa akin. Kasalanan ko." Sambit sabay pilit na ngumiti.
"Ouch! I can't breathe." Inipit ko kasi ang ilong nito. Natawa ko sa reaksyon niya. "Ang pangit mo. Ang drama mo. Di bagay." Asar ko pa.
"Pasok na ako." Sabay abot sa kanya ng coat na pinahiram niya sa akin. Napa atras naman ako ng lumapit ito. "A-anong g-ginagawa mo?" Utal kong tanong at muling umatras.
Pagkalapit inayos lang nito ang coat na suot ko. "Ang cute mo." Aniya sabay pisil sa pisngi ko.
Sa Inis ko inapakan ako ng sapatos nito sabay pasok sa loob ng bahay. "Bwisit na 'yon. Nakakainis!" Sigaw ko ng maka pasok ko.
Nang makaalis ang kotse nito ay kaagad kong binuksan ang mga ilaw. Pagkatapos ay umakyat ako sa aking kuwarto upang magpalit ng damit.
Pagkabihis ay humilata agad ako sa kama. Ayaw ko na ring lumabas ng kuwarto, kahit pa gutom ako ay pinilit ko lang na matulog.
Naalipungatan nang may tunog na kumawala. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga. Kinuha ang aking roba at binuksan ang pinto. Habang pababa ng hagdan pinakikiramdaman ko kung saan ito nanggaling. Nagmumula ang ingay sa kusina. Lagaslas ng tubig mula sa lababo. At nang makarating sa kusina. I saw him.
My husband, Leo. "Anong ginagawa mo?" Medyo takot kong tanong.
Mabilis itong humarap sa akin. Gulo ang buhok, hindi naka ayos na neck tie. Tila ba may bumabagabag sa kanya. "O-okay ka l-." Akmang hahawakan ko ito ng tabigin niya ang kamay ko.
Nakatitig ito sa akin at ganun din ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung ano bang tumatakbo sa utak niya. Dahil habang nakatitig sa isa't isa ay tila ba tumigil ang bawat sandali. Pansin ko ang mabilis na paghinga niya habang nakatitig. And time I remembered his lips landed to mine.
Tulala. Hindi ko alam kong paano magre-react sa mga nangyayari. Ang mga labi niya. Para bang candy. Nakakaadik. Tila ayaw kong tigilan. Amoy alak din ito.
Nanging mapusok ang tagpong iyon sa amin. Hindi ko alam kung paano pupulutin ang bawat sandaling 'yon, dahil maging ako ay tila nasasarapan sa tagpong ito sa amin.
"S-silvian." Napa balik ako sa aking wisyo. Tinulak ko ito at sinampal.
Pansin kong natauhan siya sa ginawa ko. "Wtf! Bakit mo ako sinampal?!" Hindi ko siya sinagot sa halip ay tumayo ako at patakbo umakyat sa aking kuwarto.
Pagkarating ay ni-lock ko agad pinto at napa upo sa sahig. Humagulgol ako. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako.
Dahil ba mahal siya ni Silvian? O may iba pa. May iba pang dahilan. At kung mangyari man 'yon alam kong talo ako.
No'n pa man alam ko na 'to. Alam kong no'n pa man talo na ako. Kaya bakit ako umiiyak. Bakit kailangan kong sayangin ang mga luhang 'to? Bakit!
Buong gabi akong umiiyak. Kinabukasan paggising ko hindi ako lumabas ng kuwarto. Sa halip naka higa lang ako sa kama at nakatitig sa kawalan. Hintay ko lang na maka alis ito.
Alam kong pumasok ito sa trabaho pero kahit na gayon, wala akong pakialam! Naiinis ako. Sobrang naiinis ako!
Napaiktad ako mula sa aking pagkakahiga ng may bumato sa bintana. Nabasag ang salamin. Tumayo upang silipin. Bwisit!
Mabilis kong binuksan ang bintana "ANO BANG PROBLEMA MO!" Bulyaw ko sa kanya.
Nag peace sign lang ito sabay ngiti. Arrggghhh! Bwisit. Nagmadali akong nagbihis. Lumabas ng kuwarto.
"Ano bang problema mo? Hayyysss... Pwede ba ki----." Tinakpan niya ba naman ang bibig ko.
"Ang daldal mo. Tara may dala ako for sure gutom ka na." Aniya. Hinatak niya ako sa kusina habang naka busal ang bibig ng kamay niya.
Pagkarating sa kusina pinaupo niya ako sa upuan. Wala akong choice kundi ang tignan lang siya.
"Here, you may eat." Sambit sabay latag nga pagkaing dala niya.
Oh my gosh! "Sure kang akin 'to?" Panigurado ko. Tumango lang ito sabay ngiti.
Wala ano-anong kinuha ko ito at isinubo. Kundi lang buntis for sure kanina ko pa 'to tinapon sa kanya. Authentic Japanese food kasi. Hindi naman sa ayaw ko, kasi hindi lang talaga ako sanay. Pero nga buntis at isama mo pa ang hindi ko pagkain sa party kagabi. No choice ako.
"Wow! Ang sarap ah. Teka mag bayad ba to?" Tanong ko habang kumakain.
"Stop talking. Kumakain ka." Saway niya sa akin. Nginitian ko lang siya sabay subo.
Habang kumakain ako busy siya kakanuod lang sa akin. Tuwang tuwa habang pinapanood ako.
"Water?" Kaagad kong kinuha ang hawak n'yang baso.
Naubos ko ang laman nito. "Wow! Ikaw ba nagluto nito?" Tanong sabay punas sa bibig ko.
"Of course... not. Ano ba kita para ipagluto, ha?" Binato ko sa kanya ang tissue na ginamit ko.
"Baliw." Tumayo ako at iniwan siya sa kusina. Sumunod naman ito sa akin. "Hey, I'm joking. Actually inorder ko 'yon. Wala ako----."
"Lalalala... I don't care. Umuwi kana. At siya nga pala paki bayaran yung nasira mong salamin ng bintana ko."
"Ano ba?! Aakyat na ako, okay? Bukas yung pinto. Free to leave at paki sarado na lang ng gate. O baka Naman gusto mong ihatid pa kita, we'll. Asa ka!" Sarkastikong bulyaw sa kanya.
"HOY! ANO BA IBABA MO AKO. MG--." Tinakpan niya naman ang bibig ko. Binuhat niya ako palabas ng bahay. "Ano ba! Sabing ibaba mo ako." Pagpupumiglas ko.
"Shout up, okay? Ang ingay mo. Isa pa ah. Kung hindi ka titigil. Hahalikan kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Biglang ng sink in sa akin ang mga nangyari kagabi.
Pagkatapos niya akong isakay sa kabila side ng kotse ay pumasok naman ito sa driver seat at umupo. Hindi ako makapagsalita. Feeling ko namumula ako. Nakakainis lang dahil alam na alam niya kung paano ako patatahimikin. Bwisit! No choice ako kundi ang manahimik.
NAPA kunot ako ng mapagtanto kung saan niya ako dinala. "Anong gagawin na'tin dito, aber?" Suplada at taas kilay kong tanong.
Hindi siya nagsalita sa halip ay lumabas ito ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Labas." May pagka bossy n'yang sabi. Bumaba naman ako agad.
Pagkababa ay nauna itong naglakad sa akin kaya kahit labag sa loob ko ang sundan siya ay ginawa ko. "Hoy, t-teka nga. Ano ba kasing gagawin na'tin sa lugar na ito?" Hindi pa siya nagsalita.
"Good morning, Mr. Cowen." Napa tingin ako sa staff ng mall na bumati sa kanya.
At sa totoo lang nakakainis na buntot sila ng buntot sa amin. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao sa paligid. Napapatakip na lang talaga ako ng mukha sa tuwing daan kami sa mga matataong lugar.
"Hanggang kelan ba nila tayo susundan, ha?" Bulong ko kay Henry. Sa halip na sagutin ako ay ngumiti lang ito. Hayyysss...
Feeling celebrity ampts. Panay pa ang kaway sa babaeng nakakasalubong namin. Sarap bigwasan.
"Where here. Please, all of you leave." Sabay namang nag-bow ang mga ito at umalis.
"Anong ginagawa na'tin dito, aber?"
"Hayysss... Stop talking, okay? Ang ingay mo para kang puwet ng m--." Hinila ko siya papasok ng store.
"Good morning, welcome to the store." Ngiting bati sa amin ng ibang mga staff.
Ngiti-ngiti lang ko habang nila pa rin siya. May mga ilang tumatawa sa amin pero sa halip na intindihin pa sila ay pinagtutuunan ko ng pansin itong kasama ko. Dinala ko siya sa parte ng store na wala masyadong tao.
"Alam mo, ikaw. Lakas mong mang-bwisit. Pumunta ka sa bahay ko. Binato ang bintana ng kuwarto ko."
"Oops. Pero dinalhan naman kita ng pagkain. Pinaghanda at pinakain." Sabat niya.
"I don't care. Alam mo. Hindi ko alam kung ba't pa ako nakikipagtalo sayo. Uuwi na ako." Inis na sabi ko at tinalikuran siya.
Kaagad akong lumabas ng store. Kaso saktong paglabas ay siya namang kina tulala ko. Tila napako ako sa aking kinatatayuan.
"Hey, okay ka lang?" Rinig ko si Henry.
Timing kung timing. Ang lakas naman ata magbiro ng tadhana sa akin ngayong araw.
Napa tingin ako sa mga kamay nila. Wow! Holding hands while walking ah. "I'm sorry. Tara balik tayo sa loob." Ngiting sabi ko sabay hilang muli kay Henry sa loob ng store.
Pagkapasok ay napahawak lang ako sa aking dibdib. Sobrang bilis ng t***k nito. "Hindi naman obvious na apektado ka sa mga nakita mo di'ba?" Mahanging tanong nito sa akin.
Inhale.... exhale...
Umayos ako ng tayo at tinitigan siya. "Oh... easy. Wag mo akong kagatin, pwede? Well, masarap naman ako pero hindi kasi public place tayo." Bwisit! Lakas talaga mamikon ng kupal na 'to.