Chapter 8

1776 Words
Lilian Magnaye's POV "Alam mo, hindi mo naman kailangang samahan pa ako. Kaya ko ang sarili ko, okay? Tsaka isa hindi man ako pilay para alalayan mo. Buntis lang ako." Sa kasamaang palad kasama ko si Henry. Andito kami sa ospital. Ngayon kasi ang monthly check up ko. Surprisingly, I'm six months pregnant. Grabe ang bilis parang kailan lang. Actually kabado din ako ngayong buwan ko rin kasi malalaman kung anong gender ni baby. Kinakabahan but at the same time I'm excited. Kaso pag labas ko ng bahay kotse at mukha niya ang bungad sa akin. No choice ako. Ikaw ba naman hatakin papasok ng kotse. Syempre kailangan ko ring mag-ingat. About kay Leo. Hmmm... Wala akong pake. After what happened last month ay mas minabuti ko lang na umiwas at wag itong kausapin. Yeah, one month been past. Ang bilis ng panahon di'ba? Wala rin naman kasing magandang nangyari sa akin nakalipas na buwan eh. Basta ang alam ko lang. Ang baklang asawa ko. Kung nasaan man siya ngayon. Mag-enjoy siya kasi ako enjoy lang ako. Kahit dalawang linggo na ang nakakalipas at hanggang ay hindi pa rin ito umuuwi, okay lang sa akin. Masaya pa nga ako pag wala siya eh. Walang demonyong tulad niya sa bahay. Tahimik at maaliwalas. Habang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital. Akala mo talaga kung sinong gentleman na lalaki. Grabe kung nakaalalay sa akin. "Ano ba! Isa, ha." Banta ko sabay tapik sa kamay n'yang Nakahawak sa bewang ko. "Henry?" Sabay kaming napalingon sa boses na tumawag sa pangalan niya. Babae ito ay napaka tangkad. Balingkinitan ang katawan at masasabi kong napakaganda niya. "Ate?" Teka lang nagkamali ba ako ng dinig? O sadyang may bumara lang dito sa tenga ko. "Ate mo siya?" Hindi ko makapaniwalang tanong ko sabay turo sa babaeng nasa harap namin. Napa atras ako ng kaunti nang umakbay siya kay Henry. "Yap. He's younger brother." Ngiting sabi niya sabay pisil sa pisngi nito. Sa totoo lang. Tulala ako. Yung tipong hindi makapaniwala. Well, hindi naman imposible pero kasi ang layo ang itsura nila. I mean si Henry kamukha siya ng daddy niya, samantalang itong babae. Ang layo. As in sobrang layo. "For sure nagtataka ka but apparently he looks like dad while me... kamukha ko si mom. Hindi naman imposible sa mga magkakapatid ang pagkakaiba ng itsura, right?" Tumango lang ako sabay ngiti. "So, anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa kapatid. Mabilis naman akong tumalikod para hindi niya mahalata ang laki ng t'yan ko. "Don't tell me. Magkasama kayo?" "Ah... H-hindi po. Nakita ko siya dito sa hallway. S-sige po mauna na a-ako." "Btw. Hailie Cowen and you are...?" Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay. "Lilian Magnaye." Sambit ko at nakipag shake hands sa kanya. "Nice meeting you, Lilian." I smiled. "Ah. Pwedeng maiwan ko muna kayo?" Tanong ko. "Of course." Ngiting sagot ni ate Hailie. Kaya nag- bow lang sa kanila. Kaagad akong naglakad papalayo sa kanila. "Lilian." I heard Henry's voice pero hindi ko na ito nilingon pa. Nagmadali akong sumakay ng elevator. Pagpasok ay pinindot ko ito. Kusa sana itong sasara kaso may biglang humarang dito. It's Henry. "Nababaliw kana ba? Paano kung nasaktan ka?!" Bulyaw ko sa kanya kaso mukha hindi nakikinig dahil nakatitig lang ito sa akin. "Ouch!" Daing niya ng batukan ito. "Pwede ba, umayos ka. Wag mo akong madaan-daan sa titig mo. Gusto mong sundutin ko 'yang mga mata mo." Banda ko. "He is here." Aniya at kaagad nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Napa kunot kilay ako. "Ano bang pina---." Halos maduling ako sa lapit ng mukha nito sa akin. Hindi ako makagalaw. Tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan. Maya-maya pa may naramdaman akong humila sa akin. At kung kanina ay hindi makagalaw ngayon naman ay sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. "How dare you!" Sigaw niya kay Henry. Kasama niya si Silvian. "How dare me?" Henry asked him sabay turo sa sarili. "Can you ask yourself, first. How dare to touch her. Of course she's wife. Ang tanong is she considering you as her husband, ha?" May pagka-sarkastikong sambit sa kanya ni Henry. Akmang susugurin niya si Henry ng mamagitan si Silvian sa kanila. "Enough." Rinig kong sabi niya. Bakas sa boses nito ang pamamalat. Hindi ko alam pero kaagad akong nakaramdam ng kahihiyan. "Let me go." Mahina at cold kong pagkakabigkas. "I'll SAID LET ME GO!" Sigaw ko sabay hila pabalik ng braso ko. Bagama't naka yuko ay patuloy lang ako sa paglalakad palabas ng ospital. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Henry pero wala akong pakialam. Patuloy lang ako hanggang sa mapagod ang paa ko. Nang mapagtanto ang layo ko ay naupo lang ako. Dito kasi ako sa park dinala ng mga paa ko. Hindi ko na rin mapigilang hindi umiyak. Napahagulgol ako. "Miss, hindi makakabuti sayo ang pag-iyak." Kaagad akong napalingon sa babaeng nagsalita. Naka salamin ito. Maamo ang mukha at naka ngiti ito sa akin. "I'm Yannie Hermosa, ito oh. Panyo. Pasensya kana medyo madumi." Aniya sabay muling ngumiti. Hindi ako nagsalita sa halip ay yumuko ako. Kaso nabigla ako ng hawakan niya ang baba ko. "Alam mo, ang ganda mo. Hindi bagay sayo ang umiyak." Hindi ko alam kung mapipikon sa sinabi niya. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. "Alam mo kanina pa kita sinusundan. Hindi ko alam kung bakit pero base sa itsura mo. Nasasaktan ka. Your pregnant. At hindi makakabuti sayo ang umiyak at maglakad." Nakatitig ako habang nagsasalita ito. "Alam kong mahihirapan ka. Maaaring makaiba tayo ng sitwasyon pero alam mo nauunawaan kita. At habang sinusundan ka mas nararamdaman kong kailangan mo ng makakausap." Muli ay naluha ako. First time kong umiiyak ng ganito lalo na sa harap ng iba. Usually kasi madalas sa kuwarto lang ako. "Arrggghhhhuhuhu..." Hagulgol ko. Ramdam ako ang pag-yakap nito sa akin. Ang paghaplos sa aking likuran. Maya-maya ay kahit paano ay tumahan ako. "Okay ka na?" Tanong niya tumango ako bilang sagot kaya bumitaw isa sa pagkakayakap sa akin. "Nauuhaw ka?" Aniya sabay lahad sa akin ng isang ng mineral water. Napatingin ako sa kamay nito. "Kunin mo na. Malinis 'yan." Kinuha ko ito at ininom. Pagkatapos uminom ay binigay ko ito sa kanya. "Siguro naman, okay ka na? Alam mo kahit mo sabihin sa akin kung ano mang dahilan ng pag-iyak mo. Alam kong nasasaktan ka. Tiyak kong kahit mag kaibang tao ang problema na'ting pareho, kagaya mo nasasaktan din ako. Kaya hindi ka nag-iisa." Pilit s'yang ngumiti. "Alam mo ba. Pangarap kong maging sikat na photographer, bata pa lang hilig ko na ang pagkuha ng mga iba't-ibang litrato. Kaya nang mabigyan ng oportunidad sa ibang bansa ay kaagad akong lumipad upang magtrabaho do'n. Isang taon pa lang, pero kaagad akong umuwi dito sa Pilipinas. At ngayon hindi alam kong paano pa magsisimulang muli dahil una pa lang pangarap ko 'yon. Pinangarap kong maging sikat, tinitingala at kilala ng lahat. Pero alam mo sa mga nangyari iyon sa akin. May natutunan ako. Na hindi ko kailangan lumipad ng mataas para lang makilala. Isang kasakiman ang hangad ng sobra. Kaya ito pinagbayaran ang kasakimang 'yon." Hindi ko alam pero nanlaki ang mga mata ko ng hinaplos niya ang kanyang t'yan. "Your pregnant too?" Tumango ito at ngumiti. "Ahmmm... I'm three months pregnant. No'ng una natakot ako dahil sa totoo lang biglaan ito. Nakipag one night stand ako sa taong may nang iba. Sa takot na masira ko ang relasyon nilang matagal sira ay bumalik ako dito. Mistake? Siguro para sa iba. Isa 'tong pagkakamali, disgrasyada? Oo at tanggap ko." Sa mga sinabi nito wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. "Ang tapang mo. Napaka tapang mo." Mga salitang lumabas sa aking bibig. Bumitaw ito sa pagkakayakap ko. "Kailangan e." Sabi niya sabay kamot ulo. "I'm Lilian Magnaye. Nice meeting you." Pagpapakilala ko. "Nice meeting you too." Sa totoo lang ang bait niya. Kung pagbabasihan hindi halata sa itsura nito ang problema kinahaharap niya. Kung baga sa isang tingin, wala. Tila wala itong problema. "Sorry." Sabi ko ng tumunog ang aking t'yan. Ngumiti ito at tumayo. "Tara?" Sabay lahad ng kaliwang kamay niya. "Saan?" Tanong ko naman. Wala kasi akong alam na lugar dito. Bago sa aking ang buong lugar. "May alam kong kainin. Masarap dun, promise." Aniya kaya sa halip na tumanggi ay hinawakan ko ito sa kamay at sabay kaming naglakad. Nakarating kami sa kainan na sinasabi nito. At totoo nga ang sasarap ng mga pagkain. Oo anak mayaman ako pero sanay na sanay akong kumain sa mga ganitong kainan. Busog kung busog ang aura ko. Kaya paglabas ng kainan ay hindi kayang maglakad ng maayos. "Kaya mo pa?" Tanong nito sa akin. Tumango ako. Umayos ako ng tayo at huminto sa paglalakad. "Okay ka lang?" Tanong nito. "Thank you." "Ano ka ba. Okay lang. Tsaka buntis ka no. Bawal sa mga tulad na'ting buntis ang magutom." May punto siya. "Kahit na. Salamat pa rin. Pangako sa susunod na magkita ulit tayo. Ako na ang manlilibre." "Wow. Sige ba. Hindi ko tatanggihan 'yan." Aniya sabay naman kaming tumawa. Feeling ko nakahanap ng kapatid, karamay at nauunawaan ako. "Sure kang kaya mong umuwi mag-isa?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "LILIAN!" Pareho kaming napalingon. Si Henry. Kaagad itong lumapit sa amin, sa akin at niyakap ako. "Saan ka ba nanggaling, nag-alala ako sayo." Aniya pero sa halip na sagutin ito ay umalis ako sa pagkakayakap nito sa akin. "Yannie, salamat ulit." Tumango ito. Nag-bow lang kay Yannie. Maya-maya ay tumalikod na ako at naglakad. Kung kailangan umuwi ako mag-isa, gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD