Michiko's POV Natutuwa ako na sobrang dami naming client ngayong araw dahil libang na libang ako sa pagta-trabaho. Sinabi ko naman sa mga kapatid ko na hindi ako magmumukmok sa bahay at para hindi ko iyon gawin ay kailangan kong magpaka-busy sa work. Gusto nila na mag-leave ako sa trabaho kaya sinabi ko na hindi ko kakayanin kung sa bahay lang ako, mas lalo lang akong malulungkot kapag ganoon ang ginawa ko. Naintindihan naman nila ako kaya kahit nagtatalo kami ay hinayaan nila ako na manalo ngayon, muli lang nilang ipinaalala na huwag akong magpapakapagod sa trabaho para lang hindi alalahanin si Vonn. Hindi naman ako nakipagtalo sa bagay na iyon at sinabi kong susubukan ko dahil mas hindi ko kakayanin kapag wala akong ginawa sa bahay, mas magkakaroon ako ng oras para alalahanin si Vonn.

