Michiko's POV I can’t believe na ito na ang huling araw na makikita ko si Vonn. Sinasabi rin nila na kailangan kong magpaalam sa kanya ngayong araw pero hindi ko iyon kayang gawin sa ngayon. Susubukan kong kayanin pero… hindi pa sa ngayon dahil alam kong marami pa akong pagdadaanan bago tuluyang matanggap ang nangyari. Nandito na kaming lahat sa sementeryo at ito na ang huling silip namin sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya, mas lalong hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko… hindi nagbago ang sakit simula noong narinig ko mula sa doktor niya na wala na siya. Simula naman noong nawala siya ay hindi ko na maipaliwanag kung ano ang nararamdaman o kung may nararamdaman pa ako. Sobrang g**o ng isip at puso ko. Hindi ko alam na may isasakit pa ang mga naramdaman ko noong mga nakaraang ar

