Michiko's POV I was staring at Vonn the whole time. Gusto ko lang na nasa tabi niya ako at nakikita ko siya. Palagi kong inaayos ang mga bulaklak na nakapaligid sa kanya, sinasabi ko pa na ako ang nag-ayos ng lahat ng iyon kaya may kasamang pagmamahal lahat ng iyon. Maaliwalas ang mukha niya na medyo nakangiti pa nga kagaya ng signature smile niya to cover his pain. Wala na talaga siyang sakit na mararamdaman ngayon dahil naipasa na niya ito sa mga taong nagmamahal sa kanya na naiwan niya sa mundong ito… isa na ako roon… dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa pagkawala niya. Ang galing mo talagang magtago sa akin, Vonn. Sana hindi mo inilihim na may iba ka pang nararamdaman para naagapan pa natin. Hindi naman kita pinagagalitan ngayon dahil wala naman akong maririnig na pagdadahilan sa

