Irish Fhrixe's pov
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumasok sa loob ng aking kuwarto. At bago ko pa naidilat ang aking mga mata ay may kung anong bagay akong nararamdaman na dumadampi sa sugat ko. Napakurap-kurap na lamang ako habang tagilid na nakahiga. I opened my eyes slowly, mukha ni Redeemer ang unang kong nasilayan. Bahagyang nakaluhod siya sa sahig habang kasalukuyang nililinis ang sugat ko.
"Aham..." agaw ko sa kanyang attention.
He gazed at me with melodious smile. "Good morning."
Dumukwang siya, ang akala ko ay kung ano lang, isa palang magiliw na halik ang siniil niya sa aking pisngi na kinatipid kong ngumiti.
"Morning too," balik bati ko.
"Sorry, pinakialaman ko ang kit mo." Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
"Okay lang," sabi ko.
Akmang babangon ako nang pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa aking balikat habang nagmamakaawa ang kanyang mga mata na wag bumangon. At para naman akong nahipnotize na inayos ang sarili sa paghiga. His winning smile flashed while he continued curing my wound. I bit my upper lip to hindering my smile. Sa kasawiang-palad hindi ko mapigilan na kiligin, hindi ko mapigilan ang pagtibok nang mabilis ng puso ko.
"Don't restrain your kilig, mapapanis yan." Seryoso niyang sabi habang nakapukos siya sa sugat ko.
Umangat ng kunti ang sulok ng labi ko saka ngumiwi. "Hindi ako kinikilig," tanggi ko.
Bumilog ang bibig ni Redeemer habang ang kanyang mata ay puno ng panggigilalas, umiling-iling siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bumuntong-hininga ako at iniwas ang aking mga mata sa kanya. Kasalukuyan na niyang nilalagyan ng binda ang sugat ko, pagkatapos nito inayos niya ang laman ng first aid kit na nakalapag sa sahig.
"You're blushing, you know..." he said in a mumble.
Napahawak ako sa aking mga pisngi habang Bumalik ang paningin ko sa kanya. Pinikpik ko ito gamit ang aking palad, umaasang mawawala ang sinasabi ni Redeemer na pamumula.
He glimpsed at me while laughing. Agad rin siyang natahimik at napakunot-noo nang tumitig sa mukha ko habang mayroong pagtatanong na namutawi sa kanyang mga mata.
Weird!
Naiilang na iginala ko ang aking paningin. "A-ano bang ginagawa mo?" May kunting pangangatal sa boses ko. "May d-dumi ba ako sa mukha?"
"Nay, pero may bukol ka sa noo."
I recalled what happened last night. Malinaw pa sa sinag ng araw ang nangyari kagabi sa'king isip, kung paano ko nakuha ang bukol na ito at paano ako natalo ng ganoon kadali sa isang laban.
"Putot?" he called my name inquiringly; showing an interest regarding what I feels right now. "Meron bang problema? Masakit ba sugat mo?"
I shook my head, telling I'm okay. Dahan-dahan akong kumilos para bumangon at nang ako ay nasa kalagitnaan ng pagbangon agad niya akong tinulungan. Ang ngiti kong kanina ko pa binilanggo ngayon ay sekretong kumuwala. But it was just scratch. My smile immediately disappeared when I remember about the mission. Isang misyon na kailangan kong tuparin.
His mouth formed into 'oh', showing that he was not convinced by my answer. "Sinungaling! Lair go to hell, you know?" he demurred.
Pagkatapos niya akong tulungang bumangon ay kanya namang maingat na ibinaba ang paa ko sa sahig. Nakatitig lamang ako kay Redeemer na punong-puno nang paghanga habang ginagawa niya iyon. I couldn't even respond to his, I was too blank to process words.
Tumayo siya ng matuwid sa harapan ko at walang emosyon akong tinitigan. Taimtim kong sinalubong ang kanyang mga mata. Nagpapahiwatig na seryoso ako sa susunod kong sasabihin.
"Ano ba talaga ang iniisip mo?" Tanong niya.
"Ikaw, ikaw ang iniisip ko..." Walang bahid ng pagsisinungaling kong sagot. "Gusto kong lumayo ka sa akin, gusto kong mawala ka sa buhay ko," ang kapaitan sa aking boses ang nangibabaw.
Remehistro ang pait sa kanyang reaksyon, "Promise, i'm gonna support everything you want to do, Just don't push me away." Painfulness in his tone is too much while a piece of tear fell down on his cheek.
Because of his tear, strange feeling engulfed my heart, and that's a conscience. Isang pakiramdam na ngayon ko lamang naramdaman sa buong buhay ko. He picked up my hand, and he kissed at the back of my palm.
I smiled bitterly. Paano ko Papatayin ang lalaking ito kung sa kanya ko lamang naramdaman ang importansiya na hinahanap ko? Umasim ang aking mukha dahil sa tanong na nabuo sa aking isipan.
"Please naman wag mo akong itaboy," pagmamakaawa niya.
I disengaged his hand from mine then turned away. Hindi ko kayang makita ang kanyang luha dahil alam kong hindi ako karapat-dapat nito. I am too bad for his tears.
"Redeemer, may mga bagay na kailangan nating i-give up para sa mas importanting bagay, sana nauunawaan mo." Pinilit kong maging matapang ang tuno ng aking boses.
Marahas niya akong pinihit paharap sa kanya at tumitig sa akin. Nakita ko sa kislap ng kanyang mga mata ang kirot na may halong galit at unti-unti itong tumatagos sa aking puso.
"Nakuha ko na ang ibig mong sabihin. Hindi ako importante sayo."
Hindi ako nagbitiw ng salita, tanging nakatingin lamang ako sa kanya. Sinapo niya ang kanyang batok na parang naguguluhan habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Humakbang siya patungong pintuan at nang nasa gitna siya nito bahagya siyang napahinto na parang nagdadalawang-isip na iwan ako.
Parang gumuho ang aking mundo nang makita ko siyang papalayo. Gusto ko siyang pigilan, gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya, gusto kong bawiin ang mga salitang aking binitiwan pero sa huli wala akong nagawa kung hindi titigan na lamang siyang unti-unting nawawala sa akin.
My heart pumped wildly when I heard a sudden sound in my apartment's door. Sinyalis ito na nakalabas na siya at tuluyang iniwan ako. Napapikit-mata ako habang sinasam-sam ang hapdi na aking nararamdaman.
Sa muling pagdilat ng aking mga mata walang pagdadalawang-isip na tumakbo ako palabas ng apartment para habulin siya ngunit nang makitang wala na siya roon ang tanging nagawa ko na lamang ay sumandal sa pinto ng aking apartment. Isinira ang mga pilik-mata at kinuyom ang kamao, pinipilit na iwaksi ang sakit na nakabaon sa puso.
"What are you doing here outside?" Someone asking.
I stand straight when I heard a familiar voice on my left side. Nang makita ko at nalamang si Redeemer nga ito sumilay ang aking ngiti sa kasiyahan habang may kung anong malaming na likido ang tumatagos sa aking pisngi. A tears?
Namumula ang mga mata ni Redeemer habang may seryosong mukha. "Meron ka bang hinahanap?"
Tanging hagulhol lamang ang aking naisagot habang naghahalo ang ngiti at luha ko. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking mga palad sapagkat ayaw kong muli niya marinig ang aking hagulhol.
"Titingnan mo na lang ba ako?" Finally, he smiled. "Hindi mo ako yayakapin? Hindi mo ba ako na miss?" Naglaho ang ngiti niya. "Kasi ako miss na miss kita. Sa mga sinabi mo kanina parang isang taon tayong hindi nagkita."
Walang sere-seremonya, tinakbo ko ang pagitan namin para yakapin siya at mahigpit akong yumakap sa kanya para iparamdam kung gaano ako nagsisi sa sinabi ko.
"Sising-sisi ka talaga no?" Tanong niya.
I was just nodded then little by little I closed my eyes.
"Kung ayaw mo akong mawala sayo siguro panahon na para aminin mo, you know... tungkol sa nararamdaman mo para sa akin."
"Naneun dangsini jeongmal joayo." "I mean..." I breathed a long to build a guts. "I like you very m-much," may kunting pangangatal sa aking boses.
Siya ang unang bumitaw at hindi makapaniwalang napatingin sa ceiling. "You mean, you just like me?" He sighed, "Hindi mo ako mahal? Kasi iba ang—"
Tinakpan ko ang kanyang bibig gamit ang aking palad kaya naputol ang sasabihin niya. Umakto akong nag-iisip habang parang bagot na bagot niyang hinintay ang aking sasabihin.
"Ahm... Weyt a minit, tatanungin ko muna puso ko," pag-iinis ko sa kanya.
Imbis na mairita siya sa sagot ko ay ngumiti na lamang siya at hinalikan ako sa noo. Isang halik na punong-puno ng kanyang pag-ibig.
Redeemer Fryck's pov
Alas nuwebe ng umaga akong nakauwi ng mansyon. Nilutuan ko muna ng umagahan si Irish bago ako nagpaalam na umuwi muna. Ayaw ko sanang iwan siya pero halos magiba na ang cellphone ko sa kakatawag ni mommy.
Nagtapat si Irish sa akin na gusto rin niya ako pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong status ng relasyon namin. So complicated.
"Fryck!" Mom shouted.
Papasok sana ako sa aking silid nang inagaw ni mommy ang atensiyon ko. Kalalabas lamang niya galing sa kanilang kuwarto na katabi lang ng akin. Matamlay aking humarap sa kanya saka bumuntong-hinga nang walang kabuhay-buhay.
"Bakit ngayon ka lang umuwi, ha?!" bulyaw ni mommy.
"Mom, not know. Please... I'm sleepless last night." Humikap ako, katibayan na totoo ang aking sinabi.
Mom gasping for breath to make herself calm. At pagkuway tumango siya, signal na pinapapasok na niya ako sa aking silid.NMedyo hindi nga ako nakatulog kagabi lalo nang lumabas si Irish at bumalik des-oras ng gabi. Gusto ko sanang tanungin siya kung saan siya galing pero sa huli nangingibabaw ang pagtikom ng aking bibig. Pumasok ako at deretsong huminga sa aking kama. Kahit ang paghubad sa aking sapatos ay hindi ko nagawa dahil sa puyat. Kasalukuyang nakatitig ako sa kisame habang hinihilot-hilot ang aking noo.
Lumitaw ang aking ngiti nang maisip ko ang eksena na nangyari kanina sa apartment ni Irish. Batid ko ang deskripsiyon niya, hinding-hindi-basta-basta siyang umiiyak. Masyadong matibay ang kanyang puso na parang batong hindi nalulusaw. Pero kanina kabaliktaran na Irish ang nakikita ko, lalo nang makita ko ang kanyang luha.
Isang putok ng baril ang nakapaiktad sa akin. Dali akong tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto. Pagkuway dumungaw ako sa corridor, nakita ko si mommy na nakasuot ng pulang hoodie jacket, nakahandusay sa sahig ng sala at duguan. Nangatal ang katawan ko sa takot, takot na baka mawala ang aking ina. Binaling ko ang aking paningin sa babaeng nakatalikod sa akin. May hawak itong baril na nakatutok kay mommy.
Tumakbo ako pababa ng hagdanan at tumayo sa bandang likuran ng kreminal. "Please, don't," I begged, desperate to save my mother. "Please, wag siya, ako na lang."
Pumihit paharap sa akin ang kreminal, laking gulat ko nang makita kung sino ito. Itinutok niya ang baril na hawak sa akin habang may halu-halong expression ang kanyang mukha na basang-basa naman sa sariling luha.
"I'm sorry, Redeemer..."
Ang aking mga luha ay unti-unting dumadaos-dos. "Bakit mo ito ginagawa?" I asked.
Is she just used me? Ginamit lamang niya ako para magawa ang binabalak niya. Hindi talaga niya ako mahal, ang lahat ay kasinungalingan!
She smiled acidly. "Dahil ito ang nakatakda."
Why is she doing this? Because she's believing in destined!? How nonsense answer it was! Hindi sapat para pumatay ng taong enosente!
"W-wag mo Itong gawin! Irish, I love you! mahal na mahal kita!" Nangangatal kong sigaw.
I lifted my hand over my head, sinyalis na hindi ako lalaban sa kanya. She grinned at me and then closed her eyes along with a solitary tear trickled down in her cheek. She pointed the gun in her chest, I was been anxiety because of this.
"I love you too, till death," Irish murmured.
"No!" Sasagipin ko pa sana siya laban sa kanyang sarili ngunit nahuli ako. Ang naabutan ko na lamang ay ang Irish na nalaglag sa sahig.
Umarangkada akong umupo sa kama dahil masamang panaginip. I can't even breath properly. Ang puso ko ay subrang lakas ng t***k at kahit air-condition ang aking kwarto ay naliligo ako sa sariling pawis. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng nightmare na iyon. Basta ang nasa isip ko, kahit anong mangyari hindi ko hahayaan na mawala sa akin ang mga taong mahal ko. They're the most precious that I have, my family and her!