Pagkagising na pagkagising ni Ingrid ay napakasakit ng katawan niya. Siya rin ay napatingin sa orasan at gulat na gulat na makitang tanghali na. Kaya naman inaasahan na ni Ingrid na wala na rin si Pierce dahil anong oras na rin. Siya ay bumangon na at saka tumingin sa salamin. Ang kanyang katawan ay punong-puno nanaman ng kiss mark at kagabi kasi ay may nangyari nanaman sa kanila. Hindi kasi mapigil si Pierce, kahit na kinakabahan pa siya. Natatakot siya na baka kung ano ang mangyare sa baby nila. Pero nalaman naman ni Ingrid na normal lang 'yon at saka natawa pa nga siya nang malaman niya na nagtanong pa si Pierce sa doktor kung normal lang ba na makipagtalik kapag buntis ang asawa. Pakiramdam ni Ingrid nang sambitin ito ng asawa ay siya ang nahiya para sa kanya. Sa kanyang pagbango

