Nagising na lang si Ingrid ng maramdaman niya ang isnag kamay na humahaplos sa kanyang mga mukha. Siya ay biglang napabalikwas at king-kita sa mukha niya ang takot. Pero natauhan din siya nang makita niya si Pierce at saka nakakunot ang noo nito. "Do you have a nightmare?" Dahil sa takot ni Ingrid, siya ay tumango at saka umiwas nang tingin. Hindi niya alam ang sasabihin, dahil natatakot talaga siya. Bumalik nanaman sa isipan niya ang mga nangyari kanina, kaya naman hindi siya makatingin ng daretso sa mga mata nito. "Let's go home. Hindi na sana kita gigisingin ng dahil sa himbing nang tulog mo. Kaso hindi ko naman alam na magigising ka sa paghawak ko lang sa mukha mo." Naintindihan naman ito agad ni Ingrid at saka tumayo na siya. Siya ay kumapit kay Pierce palabas ng opisina, hangg

