Habang nagsasaya si Ingrid kasama si Astro at Mavy, pakiramdam niya ay may matang nakatingin sa kanya. Nang tignan niya ang pwesto ni Pierce ay nakatingin nga ito sa kanya. Napalunok na lamang si Ingrid dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakapagsaya. Siya ay napasapo na lamang sa kanyang noo at hindi pinansin ang binata. Pero laking gulat niya ng bigla siyang itulak ni Mavy sa dagat at mabasa ng tuluyan. Nanlaki ang mga mata ni Ingrid at tinignan niya si Mavy na panay lamang ang tawa at nagawa pa nitong makipag-apir kay Astro dahilan na maghabulan silang tatlo. "Kayong dalawa kayo! Bumalik kayo rito!" sigaw ni Ingrid at hinabol niya ang dalawa. Siya ay nakangiti habang tumatakbo, pero natigilan din sila ng marinig nila ang boses ni Astriece. "Astro! Come over here! Kayo rin at kak

