Lumipas ang ilang minuto ng matapos kumain ang lahat. Nagkanya-kanya na ang mga ito at ang iba naman ay naligo. Si Ingrid naman ay nakaupo lamang sa isang batuhan at pinagmamasdan ang lahat. Pero laking gulat niya ng may isang lalaking umupo sa tabi niya at napahawak siya sa dibdib niya. "Nakakagulat ka naman," sambit niya kay Mavy at nakita niya itong humikab. Dahil sa ginawa nito, mahing siya ay napahikab din at nakaramdam ng antok. "Inaantok talaga ako ngayon," tugon ni Mavy at tumango si Ingrid. Maging siya ay inaantok din at ng tumayo si Mavy ay tumayo rin siya. "Gusto ko rin matulog at inaantok din pala ako." Naramdaman na lang niya ang paghawak ni Mavy sa kanyang kamay, pero silang dalawa ay natigilan ng makita nila si Pierce sa kanilang harapan. Halatang narinig nito ang pinag-

