Pagod na pagod ang lahat na sumakay sa kanikanilang sasakyan. Samantalang hindi maiwasan ni Ingrid ang mainis ng dahil sa mga sinasabi ni Pierce sa kanya. "Gabing-gabi na Pierce at hanggang ngayon ba ay gan'yan ka?" inis na tanong niya at saka sasakay sana siya sa kotse ni Mavy, pero napatigil na lamang si Ingrid. I said, "Get in the car." You promised me, Ingrid. You won't like it if I get a move." Nakita niya ang pagsenyas ni Mavy at nakangiti ito. Kaya naman pumangit ang mukha niya at saka bumuntong hininga na lamang at tumalikod, dahil walang nagawa si Ingrid kung hindi ang sumakay sa kotse, buti na lang talaga ay malayo sa kanila ang lahat, kung hindi kasi ay maaaring marinig ang kanilang pagtatalo. Nang makasakay siya ay punong-puno ng inis ang kanyang sarili. Para siyang ma-i

