Sa tuwing wala si Draken, si Ingrid ay panay ang tyempo na makuha ang cellphone sa ilalim ng kama ni Draken. Kaso hirap na hirap nga siya dahil malaki ang tyan niya. Para siyang bata na naghihintay ng pagkakataon para makalabas. Sabay lumbaba ni Ingrid sa bintana ng mapansin niyang papalapit nanaman si Draken. "Anyare sa 'yo? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Draken at saka umiling lamang si Ingrid. "Hindi ko alam. Parang tinatamad kasi ako. Masyadong boring dito at hindi tulad sa places na may mga tao." Wala ng maisip na salita o sasabihin si Ingrid. Kaya naman nasabi na rin niya ang about sa mga tao na nasa Manila. Gustong-gusto na kasi talaga niyang makauwi at nababagot na siya rito kahit na may water falls naman talaga siyang libangan. "Hindi ba't nasabi ko na hindi na ta

