Mahimbing na natutulog si Ingrid, nang bigla siyang may marinig na kaluskos. Agad siyang bumangon at saka nagawa niyang patayin ang ilaw. Nang dahil sa takot na nadarama niya siya ay agad na kumilos para isilid ang mga dala niyang pagkain at saka inilagay niya sa ilang balot ng plastik ang cellphone na hawak niya at saka charger. "Sh*t," mura ni Ingrid at saka napatingin siya sa labas at sobrang lakas nang ulan. Dahil sa takot niya, hindi na niya naisip kung may mangyaring masama sa kanya, basta naglakad muli si Ingrid papasok sa kagubatan na hindi sinisigurado ang pupuntahan, dahil hindi pa niya napapasok ang pinaka loob ng kagubatan. At laking gulat ni Ingrid nang marinig niya ang isang sigaw na nagpakilabot sa kanya. "Ingrid Lou Genevieve! Where are you?! Tinakasan mo ako, kinuh

