Nagising si Ingrid at medyo masakit ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit at sa kanyang paggalaw, ang isang matigas na bagay na naramdaman niya sa kanyang pisngi ay nagbigay sa kanya ng pagtataka. Kaya naman nang ma-i-mulat niya ang kanyang mga mata ay agad na bumungad sa kanya si Pierce na mahimbing din natutulog. Hanggang sa naalala na lang ni Ingrid kung ano ang nangyari sa kanya. Natakot siya bigla at saka nakaramdam nang hiya. Nagawa niyang tumayo sa kama at saka tumingin sa salamin. Magang-maga ang kanyang mata at saka nagulat siya nang marinig niya si Pierce. "Wife," tawag ni Pierce at saka napalunok naman si Ingrid at hindi niya alam ang sasabihin. Iniisip niya na nasira niya ang okasyon kahit na wala naman talaga siyang naalala sa nangyari. Kasabay no'n ang isang

