Pagbaba pa lang ni Preston, Ashton at Lyme sa America ay kumukulo na agad ang dugo nila. Hindi na sila makapaghintay na makausap si Damson at Rowena ng dahil sa behavior ng anak nila. Kating-kati ang kamay ni Lyme ng dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Draken. Parang masisiraan siya ng bait kung ito ay anak nila. Sila ay nakasakay sa isang kotse kung saan pagmamay-ari ni Pierce rito sa America. Dahil nga may bahay rin dito si Pierce at saka tumigil ang kotse sa isang gate na napakataas at isang bahay na napakaganda. Namangha din naman si Lyme dahil mahilig siya sa mga magagandang disenyo. Masasabi niya na ang bahay na ito ay talaga namang napakaganda sa paningin at kahit siya ay nabighani. "Who are you looking for?" tanong ng isang katulong at kumunot pa nga ang noo ni Lyme dahil a

