Lumipas ang ilang araw at nawala na sa isipan ni Ingrid ang mga nangyari, pero hindi niya alam na ngayon din siya magkakaproblema. Dahil si Draken ay handang-handa na para kuhanin siya at ilayo. Ang mga tauhan na kinuha ni Draken ay nakahanda na rin at ang mga mata niya ay nakatingin kay Ingrid na busy sa paglalaro sa labas ng bahay. Napangiti naman si Draken dahil ang tagal na niyang nais ito. Gusto na niyang makasama ito habang buhay, kaya naman ngumisi siya at saka pasimpleng tinignan ang mga tao sa paligid. Dahil hindi pa gaanong kasikat ang araw, hindi pa rin siya mapapansin. Sinimulan nang sumenyas ni Draken at saka kumilos naman ang mga tauhan nito. "Don't you dare to hurt her. Papatayin ko kayong lahat," mahinang saad ni Draken at saka humithit ng sigarilyo at binuha ito. Pinap

