Halos dalawang araw nang nakalumbaba si Ingrid habang nakaupo sa buhangin at ang suot niya ay basang-basa na rin ng dahil sa alon ng tubig. May isang maliit na lamesa sa kanyang tabi at napakaganda ng langit. Kahit na tanghali na ay makulimlim pa rin ang langit. Kaya naman kahit papaano ay natutuwa pa rin siya at hindi puro stress ang nararamdaman niya. "Kumain ka na muna. Ipinagluto kita nito." Sabay lapag ni Draken sa isang maliit na lamesa ng dalawang klaseng pagkain na nagbigay gutom para kay Ingrid. "Baka may lason 'to," pabirong sambit ni Ingrid at kahit na pabiro man ang sinabi niya ay bakas pa rin ang inis. "Why would I do that? Dalawang araw na kitang kasama sa bahay at hindi ka naman nalason sa mga pinapakain ko sa 'yo." "Okay," simpleng sagot ni Ingrid at saka kinuha niya

