Parang masisiraan ng bait si Pierce dahil tatlong araw nang nawawala si Ingrid. Dahil doon ay lumabas nanaman ang pagiging magagalitin nito at sa unang pagkakataon ay nagawa lang naman nitong sapukin ang bato at saka mangatog ang kamay sa sobrang lakas, pero parang manhid ito sa kanya dahil sunod-sunod niya itong ginawa, hanggang sa makakita siya ng dugo. "Sir!" sigaw ni Edward at saka agad niyang inawat si Pierce sa pagkakasapok nito sa pader. Maging siya ay halos mabaliw ng dahil sa ginagawa nito. "Sir naman! Anong kalokohan naman 'tong ginagawa n'yo. Naiintindihan ko naman po ang nararamdaman n'yo, kaso h'wag n'yong saktan ang sarili n'yo." Alalang-alala si Edward, lalo na ito ang unang beses na makita niyang ganito si Pierce. Kahit kasi anong gawin nila ay hindi nila ma-trace kung

