Nakatingin si Ingrid sa kanyang cellphone, habang kumakain ng miryenda. Punong-puno siya ng inis at hindi lang niya pinahahalata. Nahuli na siya ni Pierce at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya at saka sinimulan tawagan ang numero at laking gulat ni Ingrid nang marinig niya ang boses nito. "Do you think it's funny?" tanong ni Pierce kay Ingrid at ang boses nito ay sobrang lamig. Habang si Ingrid naman ay malapit ng maiyak sa sobrang inis. Ang pagkain na nasa lamesa ay bigla niyang itinulak nang dahan-dahan at saka tumayo. "Ano pa bang gusto mo? Ano ngayon kung nagsinungaling ako sa iyo? Pierce, ano ba? Hanggang kailan ka ba magiging gan'yan? Sabihin mo na sa akin na talagang ayaw mo sa akin. Ako na ang lalayo, pero ikaw 'tong pili

