Lumipas ang isang linggo nang matapos ang nangyaring insidente kay Mavy. Nakalabas na rin ito sa hospital at hanggang ngayon ay wala siyang ma-i-harap na mukha sa kaibigan niya. Sising-sisi siya na ginamit niya ito at ngayon ay wala siyang magawa dahil nandito siya sa America. Kasunod no'n ang pagbaba ni Ingrid papunta sa kotse. "Okay ka na ba?" tanong ni Jovie kay Ingrid at ngumiti lang si Ingrid at saka sumakay sa kotse. "Don't worry ate Jovie, ayos lang po ako. Salamat din po sa tulong n'yo." Matapos niyang magpasalamat aya agad siyang sumandal sa sasakyan. Para siyang pagod na pagod kahit wala naman siyang ginagawa. Napatingin na lang siya sa cellphone niya at saka hindi na niya muling nakita ang numero ni Pierce. Matapos kasi na mag-away sila ay wala na siyang balita. "Ma'am Ingr

