Dumating ang order ni Ingrid at Draken at nagsimula na silang kumain. Habang kumakain siya ay tahimik lang si Ingrid at naisip niya si Pierce. Hindi niya alam kung bakit patuloy niya itong naiisip, kahit na dapat kinalilimutan na niya ito. Bukas na bukas ay hindi niya alam ang gagawin at parang tinatamad siyang i-celebrate ito. Kasabay no'n ang isang kamay na dumapo sa kanyang mga braso. "Siguro may problema ka. Kanina pa kaya ako nagsasalita, pero hindi ka naman sumasagot. Tapatin mo nga ako, anong problema mo?" tanong ni Draken at napabuntong hininga na lamang si Ingrid. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa binata ang nais niyang sabihin. "Mahabang kwento kasi at saka private kasi 'yon. Sasabihin ko naman agad kapag handa na ako." Pagkarinig no'n ni Draken ay medyo nadismay

