Kahit malamig sa loob ng kwarto, si Ingrid ay pinagpawisan. Natapos sila ng halos hapon na sa dami nito at saka nagawa niyang umupo sa sofa at hinihintay na lang niya si Draken na matapos at uuwi na rin siya pagkatapos. "Ihahatid na lang kita at pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang," sambit ni Draken at saka inabot nito kay Ingrid ang isang libro. "I-uwi mo na 'yan at magbasa-basa ka naman." Tumawa ang dalawa nang lumabas sila sa loob ng silid at saka nawala ang ngiti sa mga labi ni Ingrid ng makita niya ang mga kapwa nila estudyante na nakatingin sa kanila. Sino nga ba ang hindi mapapatingin sa kanila kung ang anak ng nagmamay-ari ng eskwelahan ay kasama mo at naging kaibigan? Napailing na lamang siya at saka nagmadali kasama si Draken. At saka sumakay rin siya sa kotse nito at hin

