Hindi mapakali si Ingrid sa kanyang suot na bistida. Hanggang ibabaw kasi niya ito ng tuhod at naiilang pa siya. Kahit na naisip niya na nakapagsuot na siya ng swimsuit, pero naiilang pa rin siya. Siya ay bumaba sa kotse at saka napatingin sa ibaba. Halos lahat kasi ng dumarating ay nakatingin sa kanya. "Bakit kasi parang ang iksi nito sa akin?" ungot niya at saka naglakad papasok. Pero hindi pa siya mismo nakakalakad sa miskong loob ng makarinig siya ng isang boses na tumatawag sa kanya. "Ingrid!" sigaw ni Draken at sa paglingon ni Ingrid, biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Wala siyang gusto kay Draken, pero ang mukha nito ay talaga namang napakagwapo. Ang suot nito ay simpleng pants at sweatshirt, pero talagang bagay na bagay sa kanya. Hindi maipagkakaila ni Ingrid na kung gan

