Pag-apak pa lang ni Ingrid sa loob ng company ni Pierce, ang mga tauhan nito ay nakatingin na sa kanya. Ang mga matang mapanuri ay hindi makaligtas at ang iba ay inis na inis sa kanya at inggit na inggit. Ang alam kasi nila ay malapit lamang ang dalawa sa isa't isa, pero hindi nila alam na palaki ito ni Pierce at ang tanging nakakaalam lamang nito ay ang sekretarya nitong si Edward Mandz. Hindi niya ito pinansin at naglakad nang daretso si Ingrid papunta sa private elevator. Tanging ito lamang ang nakakasakay sa loob at si Pierce at ang sekretarya nito. Pero ng buksan niya ang elevator, biglang nagulat si Ingrid ng makita niya si Edward. "Ma'am Ingrid, good morning." Dahil sa gulat ni Ingrid, hindi niya agad nabati si Edward. "I'm s-sorry, I was too shocked. By the way, good morning

