Isang dalaga ang nakatayo sa veranda ng kanilang bahay at ang itsura nito ay talaga namang napakaganda rin dahil ang pamilya niya ay magaganda rin talaga ang mga lahi. Habang ang mga ngiti nito sa mga labi ay napakalaki. Bigla na lamang itong nagbago na para bang isang masamang tao. Hindi naman kasi ito ganito at talagang mahinhin ito. Pero ng dahil lamang sa napakaraming pera na inalok sa kanya ay agad naman siyang nagpasilaw. "Barbara," sambit ng ina ni Barbara at ang mukha ng dalaga ay biglang nagbago at naging maamo. Tumingin siya sa ina na para bang naiiyak at saka niyakap ito. "M-mom," utal na tawag ni Barbara sa ina at saka pekeng umiyak ito at saka niyakap ang ina. "Anong p-problema anak? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ng ina ni Barbara at saka hindi alam ni Ba

