Nang magising si Ingrid kanina, ang kanyang mood ay sirang-sira. Hindi niya nagawang pansinin ang asawa at saka hindi niya mabuksan ang kanyang cellphone. Takot na takot siya dahil talagang laman ito ng social media. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga ito, lalo na ngayon at hindi rin siya nagawang kausapin ni Pierce. Siya ay nakaupo sa kama at tulala lamang. Gusto niyang umiyak, na ayaw niya. Dahil hindi rin alam ni Ingrid kung bakit siya nagkakaganito. Basta ang alam niya ay naiinis siya kay Pierce at wala man lang itong ginawa para mapabuti ang pakiramdam niya. Kasabay no'n ang pagtingin niya sa pinto ng kwarto nang makita niya si Mel at nakatayo ito rito. "Wala ka bang planong bumaba? Anong oras na," tanong ni Mel, pero hindi nagsalita si Ingrid. At saka humiga na 'tong muli sa

