Wala na mood si Pierce nang ito ay umalis at pumasok. Simula kasi kahapon nang malaman ni Ingrid ang scandal, hindi na nito nagawang pansinin si Pierce. Ayaw na rin naman makipagtalo ni Pierce dahil ayaw niyang awayin si Ingrid. Iniisip niya na buntis ito at saka hindi niya dapat awayin. Kaya naman ngayon ay wala siya sa mood at saka ang mga tao sa paligid ay kanya-kanya ng emosyon. Sabay hawak ni Pierce sa kanyang sintido at bigla siyang nainis kay Edward. "Could you please stop it? You're making me dizzy," inis na sambit ni Pierce at kanina pa kasi paikot-ikot si Edward nang dahil sa nangyari. "Sir, paano naman ako mapapanatag kung punong-puno ng media ang lobby natin? Ang sakit lang sa ulo sir at parang hindi man lang kayo nomroblema." Hindi na lang sumagot si Pierce dahil wala

