Dahil sa nangyari, natakot ang lahat na baka bumalik ang tunay na mga magulang ni Astro. Kaya naman nagpasya sila na dito na lahat magpahinga at malaki naman ang bahay ni Astriece at Persius. Habang si Ingrid at Pierce naman ay nasa isang kwarto na at nakahiga. "I feel tired," pabulong na sambit ni Ingrid sa hangin at saka humiga siya sa kama. "Halika rito at tabi tayo." Niyaya ni Ingrid si Pierce at saka humiga na nga ito ng tuluyan sa tabi niya at saka nagawang magyakapan ng dalawa. "May sasabihin ka ba?" tanong ni Ingrid at saka tumango naman si Pierce sa kanya. "I want to have a baby, just like them." Nanlaki ang mata ni Ingrid at saka hindi niya inaasahan na sasabihin ito ni Pierce. Natawa siya bigla at saka wala siyang masabi. Basta ang alam niya ay tumawa lang nang tumawa.

