Nagulat bigla si Ingrid ng hawakan siya ni Astriece sa braso. Kaya naman agad itong napatingin at napahawak sa kanyang dibdib. "Sige na at magbihis ka na." Agad naman ngumiti si Astriece at binitawan niya si Astro na nakahawam sa kanyang kamay ngayon. "Sandali lang ah! Magbibihis lang si tita tapos maliligo tayo." "Okay po tita Ingrid," masayang saad ni Astro at sakto namang dumating si Mavy na may hawak na mga strawberry dahil ang iba na nakatira sa farm ay naririto na rin. "Halika na at sasamahan kita." Kinuha ni Ingrid ang bag na binigay sa kanya ni Mavy at biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi pa siya nakakapagsuot ng two piece sa buong buhay niya dahil nahihiya siya. Hindi dahil sa pangit ang balat niya, sakatunayan ay napakakinis ng balat ni Ingrid at kahit hindi

