Nagtulong-tulong ang lahat para mailagay ang lahat sa isang pwesto kung saan may tatlong tent. Napakarami rin kasi nila at kung tutuusin ay kulang pa nga ito. Wala pa kasi ang iba at hindi pa nila masigurado kung ilang tent ang idadagdag. Habang abala ang lahat sa paglalagay ng mga pagkain sa napakahabang lamesa, nagulat si Ingrid ng lapit siya ng ina ni Persius at Pierce. "Ingrid!" May kalakasan ang boses ni Lyme at medyo nagulat dito si Ingrid. "Tita Lyme," mahinang tawag ni Ingrid sa pangalan nito at may halong ilang dahil wala rito si Pierce at medyo nahihiya pa nga si Ingrid dahil may kasama siya at ang palabas niya ay boyfriend niya ito. "Kumusta ka? At saka bakit nakarating ka rito sa Benguet? Alam ba ito ni Pierce?" Kinabahan bigla si Ingrid ng marinig niya ang sinabi ni Lym

