Pagkatapos magsuklay ni Ingrid, siya ay agad na napalabas ng bahay. Dinama niya ang simoy ng hangin at talagang napakasarap sa katawan. Ang malamig na hangin na dumadapo sa kanyang balat ay nagbibigay kilig sa kanyang katawan at napangiti siya nang makita niya si Sita. "Magandang umaga sa iyo," masayang sambit ni Sita sa dalaga at mas lalong lumaki ang mga ngiti sa labi ni Ingrid. "Magandang umaga rin nanay Sita." Binati rin ito ni Ingrid at napatingin ito sa hawak nitong tasa na may laman na mga strawberry. Pero mas lalong nagulat si Ingrid ng ibigay sa kanya ni Sita ang hawak-hawak na tasa. "Kumain ka muna habang wala pa sila." "Nako! Maraming salamat po rito." May mga ngiti sa labi ni Ingrid ng siya ay magpasalamat. Hindi halata sa dalaga na siya ay malungkot, sapagkat palagi iton

