IT DOESN'T MATTER 14

1024 Words
Napatingin si Ingrid sa kanyang cellphone at nakita niya ang litrato ni Pierce. Ang mukha nitong napakagwapo na tila isang anghel para sa kanya ay hindi niya maiwasan na malungkot. Hindi maipagkakaila ni Ingrid na mahal na mahal talaga niya ang lalaki, pero ano na lang ba ang dapat niyang gawin? Mabilis niya itong nilagay sa tabi ng lamesa habang si Mavy ay nagsasalansan ng mga pagkain na kanilang pinamili. Medyo makirot sa dibdib ni Ingrid ang mga nangyari, kaso malakas din ang loob niya dahil alam niyang sa huli ay talo siya. Ngumiti na lang siya nang tipid at naisip na makikita na ulit niya si Astriece at Persius. Napatayo tuloy ito papunta sa kwarto at saka humiga. Habang ang mga yabag ng paa ni Mavy ay naririnig niyang patungo rin sa kwarto. "Magpapahinga ka na ba?" tanong ni Mavy at tumango naman si Ingrid. Para silang bumili sa napakalayong lugar at napakabigat ng pakiramdam niya. Tila para siyang lalagnatin at ang kanyang ilong ay kanina pa niya kinakamot. Para kasi siyang magkakasipon at masakit din ang kanyang lalamunan. "Gusto ko lang matulog. H'wag mo na lang ako gising." Tumagilid ng higa si Ingrid at hindi niya pinansin si Mavy. Nawala siya bigla sa mood matapos nilang ibigay kay Sita ang isnag echo bag na naglalaman ng mga pagkain. Siya ay napapikit at sumakit bigla ang ulo niya at umiling naman si Ingrid at nananalangin na huwag siyang magkasakit. "Bakit ba bigla ako naging ganito? Okay naman ako kanina," mahinang bulong ni Ingrid at pilit niyang pinipikit ang mga mata niya ng sa gano'n ay makatulog siya. Halos halahating oras din ang lumipas ng si Ingrid ay makatulog at katatapos lang din ni Mavy na magsalansan ng mga pagkain sa ref at ang iba nilang pinamili. Siya ay napalakad papuntang muli sa kwarto at hindi niya inaasahan na mapatingin sa cellphone ni Ingrid dahil bigla itong bumukas. Ang kanyang kamay ay tumungo agad doon para kuhanin 'yon at napasingkit ang mata ni Mavy ng makita niya ang isang unknown number. "Sino naman ito?" tanong nito sa sarili at mabilis itong binuksan. "Ingrid, I'm telling you. Go home or I'll find you." Kinilabutan bigla si Mavy nang mabasa niya ang text na alam na alam naman niyang si Pierce ito. Ang kanyang ulo ay tila sumakit at magbibigay nanaman sa kanya ng problema. Napalunok nang laway si Mavy at hindi niya alam ang gagawin. Siya ay kinakabahan na baka mamaya ay naririto na rin ang lalaki at hinahanap ang kanyang prinsesa, ngunit hindi pa niya matanggap na siya ay may pagtingin din dito. Kaya naman hindi na ito pinakielaman ni Mavy dahil ayaw rin niyang magkamali siya ng text kay Pierce. Sa tuwing nakikita niya ang mukha nitong madilim pa sa dilim ay talaga namang hindi na siya makagalaw sa takot at paghingi na lang ng tulong ang nasa isipan niya. Siya ay kumuha ng unan at saka humiga sa lapag, kung saan may kutyon ay hindi naman sasakit ang katawan niya dahil sobrang lambot nito. "Ewan ko ba kay Pierce, ang dami niyang ayaw. Bahala na lang siya sa buhay niya." Bigla na alng 'yon lumabas sa bibig ni Mavy at talagang hindi niya maiwasan na mainis sa lalaki. Palagi na lang kasi niya pinaparamdam kay Ingrid na talagang wala itong pag-asa. Pero kung titignan mo naman si Pierce kung paano mag-alala sa dalaga ay sobrang inam. Kaya napapakamot na lang talaga sa init at pagkagulo ng isip si Mavy ng dahil sa mga nangyayari. Maging siya tuloy ay naguguluhan at pumikit na lang din at bukas na bukas ay excited din siya na maligo at maghanap ng chix. _____ Abala ang lahat ng sumapit ang liwanag sa kadiliman. Ang natutulog nilang mga diwa ay biglang nagising dahil sa saya. Si Ingrid ay mabilis na nagtungo sa banyo at naligo. Kahit na pupunta sila sa beach ay naligo pa rin siya dahil talagang hindi ito sanay na hindi ito naliligo sa tuwing aalis o kahit sa beach o swimming pool pa ang punta nila. Kung kahapon ay malungkot ang mukha ni Ingrid, ngayon ay excited na excited ito. Masusuot na rin niya ang pinamili nila kahapon na ngayon lang niya masusubukan. Alam niya sa sarili na hindi siya nagsusuot ng ganito, pero dahil nga naisip niyang wala namang masama at beach ito, mas mainam na magsuot ng ganito dahil hindi naman na siya bata. "Ingrid! Bilisan mo d'yan at ako rin ang susunod!" sigaw ni Mavy at napatingin si Ingrid sa pinto. "Sandali lang! Saglit lang ako!" Mabilis na kinuskos ni Ingrid ang kanyabg katawan kahit na kanina ay pakiramdam niya ay lalagnatin talaga siya. Ngayon kasi ay medyo masakit ang kanyang ulo at ang kanyang mga mata ay medyo mainit. Kadalasan niya itong maramdaman kapag siya ay may sinat o lagnat, pero hindi niya ito ininda ng dahil nga sa pagkasabig na maligo sa beach. Isnag oras din ng matapos si Ingrid sa kanyang pagligo at sa kanyang paglabas, ang nakasimangot na mukha ni Mavy ang bumungad sa kanya. "Mabilis pala ang isang oras sa iyo?" Nagawa pang biruin nito si Ingrid dahil napakatagal nito sa banyo. Pero tumawa lang si Ingrid at tinuro ang pinto ng banyo, habang siya ay nakatingin sa salamin at nagsusuklay ng buhok. "Pwede ka na maligo," ani ni Ingrid at may halong ngiti sa kanyang mga labi. "Nga pala nagtext si Lady Astriece, parating na rin sila mamaya at kasama rin pala sila tita and tito." Napatingin dito si Ingrid at hindi niya inaasahan na kasama pala ang mga magulang ni Pierce at Astriece. Bigla tulog niyang nakagat ang mga kuko sa daliri ng dahil sa kaba niya na kasama si Pierce. Pero mabilis din naman napailing si Ingrid dahil hindi na nga pala niya ito papansinin. Gusto na n'yang makalimot, kaya naman patuloy lang ang kanyang pag-iling. "Ano naman kung sumama siya? Sino ba s'ya?" maarteng sabi ni Ingrid at umirap pa nga ito sa salamin. Ayaw niyang magmukha siyang mahina sa binata. Kinuha na lang tuloy niya ang bag na dinala nila at inayos ni Ingrid ang mga damit na kanilang susuotin para mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD