Nang matapos kumain si Mavy at Ingrid, agad silang nagtungo sa isang kwarto kung saan noon natutulog si Astriece. Pagpasok nila ay bumungad sa kanila ang isang style ng kwarto na iron man dahil kwarto ito ni Astro. Humiga naman sa kama si Ingrid at pagod na pagod siya dahil sa byahe nila. Napatingin ito kay Mavy na kasakuluyang naglalatag ng higaan sa lapag.
"Ayos ka lang ba d'yan?" tanong ni Ingrid at tumango lang naman si Mavy.
"Huwag mo ako alalahanin, ang intindihin mo 'yang sarili mo. Magpahinga ka na at sasamahan kita rito hanggang sa maging okay ka."
Hindi alam niya alam ang sasabihin dahil simula ng umuwi makilala niya si Mavy ay naging magaan ang loob niya. Halos ito na ang sandalan niya sa lahat at kahit na babaero ito ay ginagalang siyang maigi.
"Salamat, magpapahinga na rin ako at ikaw rin." Nagsimulang humiga ang dalawa at ipinikit ang mata.
Lumipas ang ilang oras at sumikat na ang araw. Nagising na lang si Ingrid mg dahil sa ingay na naririnig niya sa ibaba. Sabay tingin nito kay Mavy na mahimbing na natutulog habang may unan ang mukha. Sa sobrang curious niya ay agad siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Nagawa muna niyang maligo ng maaga dahil gano'n naman talaga ang gawain niya.
Si Ingrid kasi ay naliligo muna bago lumabas sa kanyang kwarto. Nakaugalian na niya ito ng dahil kay Pierce. Palagi kasi niyang sinusundan ito kung saan man ito pumunta at palagi rin nasa opisina. Madalang lang sa bahay si Ingrid kapag wala siyang pasok. Buti na lang talaga ay may isang buwan pa bago magsimula ang pasok ni Ingrid sa eskwelahan.
Matapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis sa banyo dahil nasa loob ng kwarto si Mavy. Simple lang ang sinuot ni Ingrid at nakasuot siya ng short at over size na t-shirt. Habang nagpapatuyo siya ng buhok ay nagulantang siya at labas sa kwarto. Gulat na gulat siyang makita si Pierce at namumula ito sa sobrang galit.
"Brother, can you please calm down? Ingrid is not a ki–"
"Of course she is! She's still a kid Persius." Umalingawngaw ang boses ni Pierce at hindi alam ni Ingrid na nasa baba na pala siya at umiiyak.
Sobrang sama ng loob niya kay Pierce at halos ibuhos na niya ang sarili niya para rito. Pinagmasdan ito ng lahat at gulat na gulat na makita siya sa harap lalo na busy sila kanina sa pagtatalo.
"Do I look like a kid to you? Malaki na ako Pierce. Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo? Hindi na ako bata! Hindi na..."
Kasabay no'n ang paglabas ni Mavy sa kwarto at nanlaki ang mata nito. Kaya naman ng tignan ni Ingrid si Pierce ay nag-uumapaw ang inis nito sa katawan dahilan na humarang sa hagdan si Ingrid.
"How dare you to go here?! Anong kalokohan ito Ingrid? Kasama mo sa kwarto ang lalaki na 'yan? At kayo, alam n'yo ba ang ginagawa n'yo?!"
Wala sino man sa kanila ang makapagsalita dahil ayaw nila na makitang ganito si Pierce. Kahit si Persius at Astriece ay natahimik dahil hindi nila kayang makipagusap kay Pierce dahil sa nakakatakot talaga ito.
"May masama ba? He's my boyfriend after all. Kaya hayaan mo na ako kasi hindi ako sasama sa iyo kahit na anong gawin mo!" sigaw ni Ingrid at tatalikod na sana ito papunta sa taas ng maramdaman niya ang malaking kamay ni Pierce na nakahawak sa kanyang braso.
"Sa tingin mo ba ay papayag akong hindi ka uuwi? Do you want me to punch that guy?" Kinilabutan silang lahat at ngayon lang din ito narinig ni Persius.
Sa loob ng ilang taon na nakasama niya ito, kahit na madalang lang ito umuwi noon sa Pinas ay alam niya ang ugali nito. Talagang kinakabahan si Persius dahil ngayon lang siya nakarinig ng ganito mula sa kapatid na panganay at nagiging madaldal ito pagdating kay Ingrid.
Habang si Ingrid naman ay pinapangunahan ng kanyang takot. Maging ito kasi ay hindi makagalaw at nakatingin kay Mavy na nakatayo sa taas at mukhang nagulat din sa sinabi ni Pierce. Kinagat tuloy ni Ingrid ang kanyang labi at ayaw naman niyang mapahamak si Mavy at wala itong magawa kung hindi ang pumayag.
"F-fine," utal na sagot nito at kinuha niya ang gamit sa kwarto ni Astro. "I'm sorry, hindi ko kayang makita kang sapukin ni Pierce. Basta mag-usap na lang ulit tayo, magiingat ka pauwi."
"Alam ko, basta magpahinga ka rin at h'wag iyak nang iyak. Tawagan mo lang ako." Tumango siya at umalis sa kwarto. Mabilis na naglakad si Ingrid at nilagpasan lang nito si Pierce ng dahil sa inis at galit. Hindi na rin siya nakapagpaalam dahil dumaretso na siya sa kotse.
"You're grounded Ingrid, huwag mo ako subukan dahil inis na inis na ako sa iyo."
Bumuhos nanaman ang luha ni Ingrid at hindi na niya kaya ang sakit. Panay ang hikbi niya at tumingin siya sa bintana. Ayaw niyang tumingin kay Pierce at inggit na inggit siya sa tuwing makakakita ng magkasintahan na magkasama. Bakit nga ba siya nagtitiis sa isang taong ayaw naman sa kanya? Pero hindi rin lubos maisip ni Ingrid na bakit ganito si Pierce. Umalis na siya at ng sa gano'n ay makalimutan niya ito, pero kahit saan ay hinahanap siya nito.
"Dahil sa iyo, hindi na ako nakapasok." Tumaas ang kilay ni Ingrid at napangisi siya. Sinisisi siya ni Pierce ng dahil sa hindi ito nakapasok sa trabaho at tumawa nang malakas si Ingrid at may kasamang iyak.
"Is that my problem? Ikaw itong makulit Pierce. Ikaw itong nagmamatigas sa atin at ako na ang lumalayo, pero anong ginagawa mo? Panay pa rin ang lapit mo. I hate you." saad ni Ingrid at tumungo siya at wala siyang pakielam kung makita man siya ni Pierce, tutal sanay na itong umiyak maya't maya kapag nasasaktan siya sa mga sinasabi ng taong mahal niya.
Napatingin si Ingrid sa kanyang cellphone at nabasa niya ang pangalan ni Mavy. Medyo gumaan naman ang pakiramdam niya at agad itong nireplayan na may ngiti sa labi, pero nawala rin 'yon agad ng dahil kay Pierce.
"I will still hate you," inis na sabi ni Ingrid at tumingin sa screen ng cellphone.