Inis na inis si Ingrid ng makarating sila sa bahay. Habang ang mga katulong ay naghihintay sa kanya. Pero magsasalita na sana si Mel ng biglang magulat sila sa sigaw ni Pierce.
"Have you lost your mind Ingrid? Nasa i-isang kwarto lang kayo?!" Bigla naman napantig ang taenga ni Ingrid at agad niyang nilingon si Pierce at tinignan nang masama.
"Ako pa ngayon ang nasisiraan ng ulo? Anong masama ro'n? Boyfriend ko siya! Boyfriend ko. Magpapakasal na nga kami diba? Kaya anong masama kung matulog kami ng magkatabi?"
Halos mapanganga ang lahat sa kanilang narinig at hindi sila makasagot. Parang nabingi sila sa sinabi ni Ingrid at halata nila rito ang inis dail pulang-pula ang mata nito sa pag-iyak.
"So sinabi mo nga na magkatabi kayo? For fvck sake, Ingrid!" sigaw ni Pierce at galit na galit ito at halos basagin nito ang isang flower vase at hindi pinahalata ni Ingrid ang kanyang takot. Kahit sa loob-loob niya ay takot na takot din siya. Ngayon lang kasi niya nakitang ganito si Pierce at talagang nakakatakot ito.
"Go to my room now! Let's talk Ingrid, don't you dare to go anywhere."
Inis na pumunta at nauna si Ingrid papunta sa kwarto ni Pierce. Nilagpasan n'ya lang lahat ang mga katulong na may sama ng loob, pero hindi sa mga ito, kung hindi kay Pierce. Humiga ito agad sa kama ni Pierce at minsan lang siya makapasok dito. Kaya naman ginulo na niya agad ang mga bagay na nakikita niya.
"Ano bang problema mo Ingrid? Alam mo ba ang pinaggagagawa mo? Inis na inis na ako sa iyo!" sigaw ni Pierce at kinagat naman ni Ingrid ang kanyang labi.
Sa kanyang pagkakaalam ay mahal na mahal niya ang lalaki, pero sobra na ito at talagang hindi nito nararamdaman ang kanyang pagmamahal.
Nawawalan na ng pag-asa si Ingrid dahil lumalaki na siya at maaari rin na maunahan siya ng iba. Natatakot siya na magising na lang siya at may gusto na itong iba at hindi siya. Hindi tuloy niya naririnig ang mga sinasabi ni Pierce at panay lang ang tulo ng kanyang mga luha.
"Alam mo kung ano ang gusto ko, kaso ayaw mo. Nagsabi ako sa 'yo noon na gusto kita at akala ko ay maiisip mong hindi na ako bata kasi 18 years old na ako, kaso ngayon na malapit na rin ako mag 21 ay bata pa rin ang tingin mo. Gano'n ba talaga kabata ang tingin mo sa akin o ayaw mo lang sabihin na hindi mo ako gusto?"
Bigla 'yon lumabas sa bibig ni Ingrid at wala siyang pakielam kung iba ang maisip ni Pierce sa kanya. Basta ang alam niya ay gusto niyang masabi ang mga salita na paulit-ulit din naman niyang sinasabi. Nagbabakasakali kasi si Ingrid na matauhan ito, kaso sa kanyang nakikita ay parang wala lang talaga siya sa lalaki.
Nakita niyang umupo ito sa upuan at hindi man lang siya matignan, habang ang isang kamay nito ay nakapatong sa isang lamesa. Halos sumikip ang dibdib ni Ingrid at panay ang hikbi niya. Hindi na rin siya tumitingin kay Pierce dahil ayaw niya makita kung gaano kawalang gana ang mga mata nito sa kanya.
"Finish you studies and go back to your room. I don't want to here anything from you. Find a decent guy, but not that Mavy Buergo. He's not worth it."
Napantig ang taenga ni Ingrid at talagang tumayo na siya at hindi tinignan si Pierce. "Kung 'yan ang gusto mo, hayaan mo na ako. Ayoko na rin makarinig ng kahit na ano sa iyo. He's worth it kasi mahal niya ako kahit hindi ko siya mahal. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko na kalimutan ka diba? Tutal ayaw mo nama. Sa akin, kaya anong silbi ng pagsasama natin sa i-isang bahay? Let's not talk to each other."
Lumabas nang tuluyan si Ingrid at nakita nitong naghihintay si Lucie at Mel. Habang ang ibang katulong ay gano'n din. Wala emosyon si Ingrid dahil pagod na siya, pagod na siyang umasa. Tinignan niya ang mga katulong at ramdam ni Ingrid na nalulungkot din ang mga ito sa kanya. Nagawa siyang hilahin ni Lucie papunta sa sofa at saka binigyan ng tubig.
"Uminom ka nga muna. Hayaan mo na si sir at nadala lang 'yon. Ikaw naman kasi nagpadalos-dalos ka at nag-aalala rin kami sa 'yo," sambit ni Mel at sumangayon ang driver ng bahay.
"Oo nga naman ma'am Ingrid, kanina pa nag-aalala sa inyo si sir Pierce. Akala namin ay nasa kwarto kayo, pero tinotoo n'yong lalayas kayo. Buti na lang ay agad nagreply si sir Persius kanina at sabi ay nasa kanila ka."
Hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon si Ingrid dahil sawang-sawa na siya sa mga pangaral ng mga ito o kaya naman palakasin ang loob niya.
Hindi nga niya mapaibig ang isang workaholic na si Pierce at napakaselan sa babae, tapos aasa siya?
"Bahala na siya, ayoko na sa kanya. Nakakasawa siya at paulit-ulit na lang ganito. Mukha ba akong bata sa lagay na 'to?" tanong ni Ingrid at hindi naman sumagot ang mga katulong dahil alam na rin niya ang sagot. Inis siyang tumayo dahil ayaw niyang makita ang mga mukha nitong hindi maipinta.
Mukha kasing bata si Ingrid ng dahil sa height nito at baby face rin siya. Hindi talaga siya mukhang 20 at mukha lang siyang 17 years old. Kaya minsan ay naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit nga ba ganito ang itsura niya.
Siya ay hanggang braso lamang ni Pierce at kahit na magsuot siya ng high heels ay hindi pa rin niya ito mapantayan. Pero kahit na gano'n ay hindi maipagkakaila na ang katawan ni Ingrid ay napakaganda. Palagi man itong nakasuot ng mahahabang short at over size na t-shirt ay maganda ang katawan nito.
Wala pang nakakakita sa kagandahang taglay nito dahil hindi rin naman ito pala-ayos tulad ni Astriece. Kaya naman ng tinungo ni Ingrid ang kanyang kwarto ay agad siyang humiga. Kahit na umaga pa lang at tirik na tirik ang araw, siya ay napagod ng dahil sa napakahabang byahe.