Biglang naimulat ni Ingrid ang kanyang mga mata. Inis siyang tumingin sa pinto at napansin niya na panaya ng katok ni Pierce, pero ayaw niya itong pansinin. Tumalikod na lamang siya at saka nagtalakbong. Napatingin siya sa kanyang relo at malapit na pala mag-alas-tres. Kaso ayaw nitong tumayo ng dahil sa inis na nararamdaman niya. Kaso dahil sa ingay nang pagkatok ni Pierce ay napatayo na ito nang tuluyan.
"Ano bang problema mo? Wala ka na bang magawa at natutulog ako," inis na sabi ni Ingrid at isasara na sana niya ang pinto pero mabilis itong hinawakan ni Pierce at saka binuksang maigi.
"Don't you dare to high your voice Ingrid! Go down and have you're lunch. It's already three in the afternoon and you're just sleeping like a dead person."
Dahil ayaw makipagtalo ni Ingrid ay bumaba na siya. Nilagpasan niya ang mga tao sa bahay at saka umupo sa lamesa. Nakita niyang umupo rin si Pierce, pero hindi niya ito pinansin tulad ng kanyang ginagawa.
Masama na ang loob niya at hindi siya makatingin kay Pierce. Gusto niyang sumigaw at umiyak, pero pinipigilan niya ang pagluha. Gusto niyang libangin ang sarili ng sa gano'n ay mawala na ang iniisip niya. Kaya naman isa lang ang naisip ni Ingrid. Ang lumayas, pero hindi siya nagwagi sa kagustuhan niya. Kaya naman panay ang isip niya at hindi niya napapansin na hindi siya kumakain at nakatingin lang sa pagkain.
"Hanggang kailan mo paghihintayin ang pagkain? Wala ka na bang gagawin na matino?" Tumingin dito si Ingrid at saka wala siyang emosyon na pinakita kay Pierce, kahit na ang puso niya ay durog na durog na.
Sabay tayo ni Ingrid at saka uminom siya nang tubig. "I'm done, busog na ako." Kaso ng aalis na ito ay agad din itong hinila ni Pierce pabalik sa upuan dahilan na magulat ang mga katulong.
"Hindi mo nga ginalaw ang pagkain mo! H'wag mo akong subukan Ingrid! Punong-puno na ako sa 'yo!" sigaw ni Pierce at sa hindi nila inaasahan, nagulat na lang ang lahat ng bigla itong sampalin ni Ingrid. Kahit si Ingrid ay nagulat sa ginawa niya, pero buo na ang desisyon niya at saka hindi na niya gusto ang ganito.
"I don't want to talk to you! I hate you, Pierce! I hate you! Kaya parang awa mo na, tama na at hayaan mo na ako. Ayoko ng mag-usap pa tayo. Kaya aalis ako kung kailan ko gusto, magpapakasal ako kung kailan ko gusto." Sabay lakad nito paalis at umakyat sa kwarto.
Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso at parang aatakin siya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa niya at nanginginig ang kanyang kamay. Biglang umiyak si Ingrid ng dahil sa sama ng loob, pero ayaw niya itong bawiin dahil nagawa na n'ya. Kinuha na lamang niya ang kanyang wallet at saka cellphone.
Kasabay no'n ang paglabas niya sa kwarto at napatingin ito kay Pierce, mukhang gulat na gulat din ito at hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa upuan at nakatingin sa pagkain.
"Huwag n'yo akong pipigilan. Aalis na ako rito at ayoko ng umuwi rito," mahinahong sabi ni Ingrid at humarang naman ang mga katulong ng marinig nila si Persius.
"You won't go anywhere. Sa tingin mo ba ay hindi kita kayang hanapin kapag umalis ka?" tanong ni Pierce at tumawa naman si Ingrid at pumalakpal.
"Oo, ikaw nga pala si Pierce Key Fourth. Marami ka nga pa lang nagagawa no? Bakit nga pala nakalimutan ko?" Sabay tawa ni Ingrid, kaso mabilis din ito naging seryoso. "Kaso anong gusto mong gawin ko? Hindi mo rin ako nakikita Pierce. Kaya magtrabaho ka na lang at ako ay aalis na, huwag mo na rin ako hanapin pa."
Tumakbo palabas si Ingrid at saka hinabol siya ng mga katulong, pero wala siyang pakielam. May nakita siyang tricycle na dumaan galing sa subdivision at mabilis siyang sumakay.
"Pakibilisan po manong, magbabayad ako," wika ni Ingrid at nagmadali nga ito tulad ng sinabi ng dalaga. Nagtaka pa nga ito dahil sumisigaw ang mga katulong, pero hindi naman ito nagtanong at nagdrive na lamang palabas ng subdivision.
Limang sampung lamang ang lumipas ng sila ay makalabas. Malaki kasi ang subdivision kaya talagang kailangan mo sumakay. Kasabay no'n ang pagbaba ni Ingrid at sumakay siya sa bus matapos niyang magbayad sa matandang driver.
Nakahinga naman siya nang maluwag si Ingrid ng makasakay siya at naramdaman niyang malaya na siya, kaso natatakot pa rin siya at nalulungkot.
Tinignan nito ang kanyang cellphone at puno na iyon ng chats ni Mavy. Kaya naman hindi nag-atubilin si Ingrid na i-chat ito dahil nangangailangan siya ngayon ng tulong. Napatungo naman siya sa isang upuan na nasa kanyang unahan, buti na lang ay walang nakaupo at i-ilan pa lamang ang nakasakay. Hindi alam ni Ingrid kung saan ba siya bababa, basta ang alam niya ay sumakay siya ng hindi tinitignan kung saan ito patungo.
"Sana masaya ka, kasi ako hindi. Nakakapagod ka naman mahalin, palagi na lang ako ang mag-aadjust sa iyo. Nakakapagod din kaya kung alam mo lang."
Parang baliw si Ingrid at nagagawa niyang magsalita mag-isa. Buti na lang talaga ay malakas ang hangin at hindi gano'n kalakas ang boses niya. Halos pabulong lang niya itong sinabi, pero damang-dama niya ang kirot ng kanyang dibdib.
"Kuya dito na lang!" sigaw ni Ingrid at nakita niya ang daan papunta sa bahay ni Mavy. Mabilis siyang bumaba at naglakad papasok sa isang subdivision.
Nakatira rin kasi ito sa isang subdivision malapit sa eskwelahan nila. Kaya naman minsan ay palagi rin siya narito at soolo na niya ang daan kahit na napakaraming bahay ang nakatayo. At nakita niya ang paradahan ng mga tricycle at saka siya sumakay.
"Ito na po ang bayad," seryosong sambit ni Ingrid at saka pumasok na ang tricycle sa loob ng subdivision. Siya ay nakalumbaba at hindi maipinta ang mukha. Gulo-gulo rin ang kanyang buhok ng dahil sa wala pa siyang suklay simula kanina at nagulo 'yon ng dahil sa pag-aaway nila kanina ni Pierce. Kaya naman ng makarating ito agad ay agad din siyang bumaba at nagbayad.