Nang magising si Ingrid ay wala na si Edward. Nalaman na lamang niya na nakaalis na ito at tanging siya na lamang ang naririto ay ang dati nila katulong at ang asawa nito. Dumaretso si Ingrid sa banyo para maligo, dahil ang pasok dito sa America ay mas maaga, kaysa sa Pilipinas. Kailangan niyang pumunta ro'n at saka hindi naman kinabahan si Ingrid dahil ang pupuntahan niyang eskwelahan ay mga filipino rin ang mga pumapasok. Kaya naman hindi na siya mahihirapan pang magsalita ng english. Lumipas din ang isang oras at kalahating minuto nang matapos si Ingrid. Siya ay may hawak-hawak na bag at saka dala-dala niya ang kanyang cellphone. Hanggang sa nakasalubong niya ang asawa ni Jovie na halatang iniintay rin siya. "Ma'am Ingrid, good morning," bati nito at saka ngumiti naman si Ingrid a

