Madaling araw nang umalis si Ingrid. Siya ay wala sa mood dahil hindi man lang siya tinignan ni Pierce ng sumakay sa eroplano. Kasama niya ngayon si Edward at hindi naman nagsasalita si Ingrid, simula nang sumakay ang dalawa. "Ma'am Ingrid, ayos ka lang po ba?" tanong ni Edward, pero umiling naman siya. Hindi naman nagsinungaling si Ingrid dahil talagang masakit na ang ulo niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayare sa kanya sa America. "Do I look fine? Nakakabwisit na 'yang boss mo. Parang ayaw ko na tuloy siyang makita," inis na wika niya at saka bumuntong hininga naman si Edward. Maging siya ay nalilito at saka sumandal na lamang at saka lumipas ang 16 hours ng si Ingrid at Edward ay makababa sa eroplano. Masakit ang katawan ng dalawa dahil sa tagal at haba ng byahe nila. Sa pagb

