Nawala bigla sa mood si Pierce ng makareceived siya ng text mula sa bartender ng bar. Kilala niya ito at buti na alng ay nagawa siyang i-text nito. Si Pierce ay umapaw ang inis sa katawan at medyo lasing na nga rin ito. Iba na rin ang takbo ng isipan nito at saka nagmadaling kinuha niya kanina ang susi ng kotse at mabilis na tinungo ang bar, kung saan nandoon si Ingrid at Mavy. Pagbaba pa lang ni Pierce, ito ay tila kakain ng kahit na sinong madaanan niya. Ayaw ni Pierce sa ganito kaingay na lugar at ito ang pinaka ayaw niya. Sa kanyang pagpasok ay nakita niya ang bartender at saka itinuro kung nasaan ang dalawa. "G-good evening po. Umakyat lang po kayo at tignan n'yo ang 139 na room number." Matapos itong marinig ni Pierce ay umakyat na siya sa at nang makita niya ang numero ay kina

