Hindi maganda ang awra ni Pierce ng siya ay makarating sa bahay nila. Sinalubong man siya nang nakararami ay hindi niya pinansin ang mga ito. Kaya naging alarma rin ang mga ito na mayroon nanamang hindi magandang nangyari, pero hindi sila sigurado kung si Ingrid ang dahilan nito. Bakas ang pagkunot nang noo nito at hindi maipinta ang mukha. Tila bwisit na bwisit ito sa mga nangyayari at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto. Siya ay nagpalit ng kasuotan dahil init na init siya. Walang maisip si Pierce at parang sarado ang isipan niya ng dahil sa inis. Hanggang sa naisipan niyang tumayo at tunguin ang kusina ng bahay. "Good evening, sir Pierce," bati ni Lucie at nakangiti pa ito. Tinignan lang ito ni Pierce at saka nilagpasan. Siya ay kumuha ng alak at isang baso. Gusto niyang mag-inom a

