Gulat na gulat si Edward nang biglang mabasag ang isang vase niya sa opisina. Tinabig ito ni Pierce sa sobrang galit at ang mukha nito ay mas lalong dumilim. Kung ito ay nakakatakot sa tuwing seryoso, mas lalo itong nakakatakot kapag galit. Hindi makagalaw si Edward at kinakabahan siya. Ito rin ang unang beses na makita niyang ganito si Pierce. Tila problemado ito, pero hindi maiwasan ni Edward ang magtaka, sapagkat hindi pa rin siya sigurado sa mga nangyayari. Basta ang alam niya ay may gusto si Ingrid kay Pierce. "Fvck!" mura ni Pierce at hindi ito mapakali sa pagkakatayo. Gusto niyang basagin ang lahat nang nakikita niya at sorang-sora siya kay Mavy. Hindi siya naiinis kay Ingrid, sapagkat mas naiinis siya sa kasintahan nito. Iniisip kasi ni Pierce na ito ang dahilan niya kung bak

