Gulong-gulo ang isipan ni Damson at Rowena sa sinabi ni Pierce. Ang kanilang noo ay nakakunot at saka hindi maisip kung totoo ba ito. Dalawang araw na kasing hindi umuuwi si Draken, matapos nitong umalis no'n kasama si Ingrid. Habang ang isip ni Damson ay nakatuon pa rin sa sinabi ni Pierce. "Baka hindi totoo 'yon. We know our son, Damson," saad ni Rowena at saka nakaupo sila sa sofa kung saan kumakain sila ng mga biscuit at umiinom ng kape. Natigilan bigla si Damson dahil naisip niyang tama naman ang asawa niya. Kaya siya ay napatango na lang bigla at saka agad din umiwas. "I know, nagawa mo na bang tawagan si Draken?" kalmadong tanong ni Damson at saka tumango naman si Rowena at ang mga katulong sa bahay na naglilinis at mga malapit sa kanila ay hindi maiwasan na makinig sa usapan

