Lumipas ang ilang oras at nailabas si Ingrid. Sila ay nakasakay na rin sa private plane ni Pierce at saka pauwi na sila. Hindi nagawang umalis ni Pierce dahil talagang natakot na rin siya na kung ano nanaman ang gawin ni Draken. "Mom is looking for you," mahinang bulong ni Pierce at ilang araw na rin siyang hinahanap ng pamilya. Kaya naman hindi rin alam ni Pierce ang gagawin dahil sa mga nangyare. "Namiss ko na rin sila," mahinang saad ni Ingrid at medyo nanlalambot pa ang katawan niya. Gusto niyang mahiga at saka ipikit ang mga mata, kahit na ilang beses na siyang natulog. Hanggang sa ilang oras ang lumipas nang makababa ang eroplano at saka sinalubong naman sila ng isang van na pagmamay-ari rin ni Pierce. "Here!" sigaw nang isang lalaki at saka agad itong napansin ni Pierce. Aga

