Pagbaba pa lang ni Pierce sa kotse ay samo't saring emosyon na ang meron sa kanya. Para siyang masisiraan ng bait nang malaman niya na nasa hospital ito. Kanina pa siya hindi mapakali dahil walong oras ang byahe na kailangan niya bago makarating dito. Kaya naman ng makarating sila ay agad silang bumaba. Silang lahat ay pinagtitinginan nang mga tao dahil talagang kakaiba ang awra ni Pierce. Nakakatakot ito at saka seryosong-seryoso ang mukha nito, kahit na may takot at kaba na namumuo sa kanyang katawan. Agad naman nilang pinasok ang hospital at saka nang makarating sila sa lobby, tatanungin sana nila ang babae rito, pero agad nahagilap ng mata ni Pierce si Draken na naliligo sa dugo. Kaya naman dahil sa galit niya, buglang nandilim ang kanyang mga mata at saka agad itong pinaulanan nan

