Isang bahay ang tinigilan ni Pierce at Edward at sumingkit pa nga ang mga mata nang dalawa. Talaga namang napakaganda ng bahay na nakikita nila at nasa kanilang harapan at ito rin ang unang beses na mapupuntahan ito ni Pierce. Hindi pa man nakakalapit sa gate si Pierce, nang marinig niya ang isang boses na kay lakas. "Sir Pierce!" sigaw nang ama ni Draken na si Damson. Gulat na gulat ito sa kanyang nakita at saka agad nito sinenyasan ang mga tao sa bahay at pinagbuksan ito ng gate. Siya ay kinabahan pa nga dahil ito ang unang beses na pumunta ito rito at saka hindi niya alam kung bakit ito naririto. "Pasok kayo at h'wag kayo mahiya," duktong ni Damson at saka pinapasok niya si Pierce at Edward. Habang ang dalawa naman ay nakamasid sa buong bahay at kahit isang presensya ni Ingrid ay

