Inabot na nang umaga si Ingrid at hanggang ngayon ay nasa karagatan pa rin siya at nagtatampisaw. Pinagmamasdan siya ng mga tao rito dahil kakaiba ang gandang meron si Ingrid. Tila siya ay laging blooming at talaga namang napakaganda nito. Habang siya ay busy sa paglalaro ng tubig, bigla na lang nagulat si Ingrid nang marinig niya ang boses ni Draken. "Are you not tired?" tanong nito at saka may hawak itong pagkain na talaga namang nagpagutom kay Ingrid. Agad na lumapit dito si Ingrid at saka tumingin sa pagkain na dala-dala ni Draken. "Akin ba 'yan?" "Hindi ka pa rin kumakain simula kagabi. Sige na, kumain ka na bago pa magbago ang isipan ko." Inis itong kinuha ni Ingrid na may halong hiya. Hindi niya mawari si Draken, palibhasa parang mas moody pa ito sa kanya. Agad kinain ni Ing

