Ilang oras ang lumipas nang matapos ang klase nila. Si Ingrid at Yuna ay magkasama na lumabas at saka hinintay nila si Draken at Mavy. Medyo natagalan nga lang dahil masyadong matagal talaga magpalabas ang teacher nila. Pero ng tumalikod si Ingrid ay nakita niya ang mga ibang estudyante na lumalabas na rin. Ngayon kasi ay tanghali na at pwede na silang kumain at babalik na lang sila mamaya. Medyo matagal pa naman ang oras at saka ngumiti si Ingrid at sana tinawag ang mga ito, "Hoy! Nandito kami." Inirapan naman ito ni Mavy na kinatawa ni Ingrid at Yuna. Lumapit ito sa kanila at saka mabilis na inakbayan ni Draken si Ingrid para lang asarin. "Kumusta na ang bagong kasal naming kaibigan?" asar ni Draken at kinilig naman si Ingrid. Kaya naman ang mga labi niya ay kusa nang ngumingiti at

