Masayang-masaya si Ingrid, dahil makakapasok siya. Kailangan lang niya talagang mag-ingat ng dahil na rin sa dinadala niya. Matapos niyang nakausap ang asawa ay agad niyang nilapitan si Astro. Naglalaro kasi ito sa labas at saka may hawak na saranggola. "Marunong ka ba n'yan, Astro?" tanong ni Ingrid at masayang ngumiti ito sa kanya. "Opo naman, ate Ingrid. Kaso hindi ko po mapalipad dahil mahina ang hangin." Napangiti siya dahil sa cute ng boses nito at nagawang ayusin ni Ingrid ang hawak nito. "Osige, ganito na lang. Hawakan mo 'to at ihahagis ko nang dahan-dahan," wika ni Ingrid at saka kinuha na niya ang saranggola at saka binato. Mabilis itong lumipad sa hangin at saka napangiti silang dalawa. Halos tumalon sila sa tuwa at saka inalalayan ito ni Ingrid. Napakalaki kasi talag

