Habang lumilipas ang araw, ang mood ni Ingrid ay nag-iiba na rin. Maging ang mga tao sa bahay ay napapakamot na lang ng dahil sa tigas ng ulo niya at saka sobrang hirap na intindihin. "Ingrid, kumain ka na kung kakain ka," inis na sambit ni Pierce, pero hindi siya pinakinggan ni Ingrid at saka nagtungo lang sa sala apra umupo. Parang pagod na pagod ito at sobrang bigat ng katawan niya. Siya ay sumandal na lamang sa sofa at saka humiga. Ang kanyang paghinga ay lumalalim din na para bang hinihingal. Kaya naman inis an tumingin si Ingrid sa asawa nang makita niya itong papalapit. "H'wag kang lalapit," saad ni Ingrid at sumingkit naman ang mata ni Pierce at kumunot ang noo ng mga katulong sa loob ng bahay. "Pierce, ano bang ginagamit mo? Ang bahho mo talaga." "What?!" Hindi na naiwasan

